CARMELA Ngayong araw na ay malalaman na namin kung ano ba ang resulta nang surgery ko. Kinakabahan ako pero hindi rin dahil na rin nasa tabi ko ang asawa ko. Sa buong journey ko ay hindi niya ako iniwan. Todo alaga siya sa akin. Mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal niya sa akin. At ngayon gusto ko ng malaman ang resulta. Kung talaga bang bumalik na sa dati ang mukha ko. Pinatalikod ko muna si Oliver. At nang tuluyang siyang lumingon sa akin. Ay nakita ko na natigilan siya kaya naman kinakabahan ako. Binigyan ako ni Dok ng salamin at nanginginig pa ang kamay ko habang kinukuha ko ito sa kanya. “Mi vida,” tawag sa akin ni Oliver ulit kaya naman napa-hinga ako ng malalim para mag-alis ng kaba sa dibdib. “Oliver, parang natatakot ako. Anong nakikita mo ngayon?” sabi ko sa kanya. “See i

