The Confrontration

1227 Words
ISANG LINGGO matapos kong makausap si Joy, nagsimula na akong makipagkaibigan sa iba. Nung una, nahirapan pa ako. I'm not really good in befriending other people but with the help of Joy and bessy, natuto akong makisama sa iba. Masarap pala ang feeling ng marami kang kaibigan. Masarap ang feeling ng nakakasundo mo ang lahat. But unfortunately, meron at meron pa rin talagang mamamlastic. Hindi na talaga mawawala ang mga barbie dolls sa mundong ibabaw. They are the real losers. Oh well, hayaan mo na nga sila. Sa totoo nga lang, mas gusto ko pa 'yung ginagawa ni Penelope. At least siya, hindi siya plastic sa akin. She's really showing and making me feel that she hates my guts — A LOT. And the feeling is mutual. "I'm happy that you're getting along with others really well pero medyo nagtatampo ako," sabi sa akin ni Carl habang nakaakbay sa akin. Nandito kami ngayon sa park, nakaupo sa bench. "Bakit naman?" tanong ko. Nagbuntong-hininga siya at sinabing, "Simula kasi 'nung naging palakaibigan ka sa lahat, nawalan ka na ng oras sa akin. Hindi na tayo nakakapagsolo hindi gaya noon. Ngayon na lang ulit." Tinignan ko siya at nakita kong nakabusangot siya. Halatang nalulungkot siya kasi naubusan na ako ng oras for him. Hindi na lang ako umimik dahil tama siya. Matagal-tagal na din bago huli kaming mag-solo. Kapag magkasama kaming dalawa, palaging may dumarating. Palagi kaming may kasama at nawawala ang atensiyon ko sa kanya kapag mayroong sumasama sa amin. Parang ngayon... may natatanaw ako na dalawang tao na papalapit sa amin. They seem like they were enjoying their time together. I guess they'll tag along na naman sa amin. Loser told me that he likes me and I believed him. Pero ngayon? Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa kanya. I mean, sa tuwing makikita ko silang dalawa ni bessy, ang saya-saya nila. Super close sila. Siguro, gusto nga niya ako but na-develop siya kay bessy kaya ngayon ay si bessy na ang gusto niya. Ewan ko. Bahala siya. Bahala sila. As if I care. "Huwag kang mag-alala. Ikaw lang naman eh, simula pa lang," rinig kong sabi ni loser ng mahina na para bang nababasa niya 'yung iniisip ko sabay upo sa tabi ko. Tapos si bessy naman eh umupo sa tabi niya. Kumunot ang noo ko at inirapan ko na lang siya. Siguro ay masyado ko silang tinitigan kaya nasabi ni loser 'yun. "What did he say?" tanong ni Carl na nagtataka. Obviously, narinig niya na may binulong si loser sa akin. I looked at Clark and shook my head. "It was nothing. Nothing important. Huwag mo na lang siya pansinin," sagot ko kay Carl. Tumingin siya kay loser at tumingin sa akin. "Alright then," pagkatapos ay lalo pa akong hinila ni Carl papalapit sa kanya na ikinagulat ko kaya naman ngayon ay nakasandal ako sa dibdib ni Carl. "Baka naman hindi na makahinga si bessy niyan," rinig kong sabi ni bessy Jessica. "Oo, hindi siya makakahinga," panimula ni Carl tapos nagpatuloy siya. "Hindi siya makakahinga sa pagmamahal ko," pagkatapos ay naramdaman kong hinalikan ako ni Carl sa bunbunan. "Oh, 'di wow," pambabara ni Jessica. Lumayo ako at umayos ng upo kaya naman tinanggal ni Carl and kamay niya na nakapulupot sa akin. Nang paglayo ko, nakita ko ang mukha ni Carl na nakabusangot. It looks like he felt rejected. Ewan ko ba sa kanya. "Gusto mo ng kwek-kwek?" tanong bigla ni loser matapos akong makita na nakatitig sa isang street food vendor at sa mga tinitinda niyang kwek-kwek sa 'di kalayuan. "She don't eat streetfoods. Madumi 'yan," si Carl ang sumagot. "Ikaw ba ang tinanong ko? Saka, kumakain siya ng street foods. Favorite niya 'yun especially the quail eggs. 'Yung kwek-kwek," sagot ni loser na medyo ikinagulat ko. Paano niya nalaman na mahilig ako sa kwek-kwek? Siguro ay dahil nakita niya ako noon na kumakain ng street foods habang papaauwi siya. Pero he only saw me once so bakit niya nasabi na favorite ko ang street foods? Maybe he just assumed. "She should be treated like a princess and not like a commoner. Hindi siya dapat pinapakain ng kung ano-ano na lang like street foods. It's so cheap," sabi ni Carl. If he's thinking that he would flatter me with those stupid words, then he was wrong. He just annoyed me. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at sinabing, "You know what? loser is right. I love street foods. Kala ko ba, mahal mo ako? Simpleng bagay lang, hindi mo alam?" Nilingon ko siya at tinaasan ng isang kilay. Hindi siya makapag-react sa sinabi ko. "Also, I hate being treated like a princess. I love attention but I hate being treated like a princess," Again, nag react si bessy, "Weh? Hindi nga?" I love my best friend but sometimes, she's getting on my nerves. Tinignan ko si bessy saka inirapan. Tumayo na din si bessy saka inakbayan ako. "Love you bes! Tara, ikain na lang natin 'to," sabi ni bessy pagkatapos ay naglakad na kami papunta doon sa street foods vendor at bumili. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko na nag-uusap sila loser at Carl ng seryoso. Bahala na nga sila dun. Basta kami ni bessy, kakain ng kwek-kwek at iba pang street foods. *** BRANDON "GUSTO MO BA ANG GIRLFRIEND KO?" tanong bigla ni Carl 'nung patayo na ako para sundan 'yung dalawang babae. Nilingon ko siya at sumagot ng totoo. "Oo, gusto ko siya. Bakit? Bawal ba?" Hindi naman masamang umamin. Ang masama ay ang mang-agaw at wala akong balak agawin si Claire kay Carl. Hindi ko ugali ang mang-agaw ng girlfriend ng iba. "Sabi ko na nga ba," sagot ni Carl. "kailan pa?" "Matagal na," sagot ko. "bago ko pa lang makipagkaibigan sa kanya, gusto ko na siya," pag-amin ko ulit. Oo, matagal ko nang gusto si Claire. Una ko pa lang siyang nakita eh nagustuhan ko na siya. Pero dahil sa hiya at hina ng loob, hindi ko sinubukan na kaibiganin o kausapin siya. Natakot din kasi ako noon na baka hindi niya ako pansinin at baka ireject lang niya ako. But then, I realized na kung gusto mo ang isang tao, gagawin at gagawin mo ang lahat para mapa-sa'yo siya. Siguro kasi ay hindi pa malakas 'yung nararamdaman ko para sa kanya noon kaya hindi na ako nagtangka but as the time goes by, my feelings for her got stronger. Lalong-lalo na noong naging malapit kami sa isa't-isa. Akala ko noon, may chance pa. But I was wrong. Masyado akong mabagal kaya naman naunahan na ako ni Carl at nagsisisi ako. "I see. But you're aware that she's already taken, right?" sabi niya sa akin. "Yes, I know," sagot ko. 'You got her, but not her feelings' I added in my thoughts. Wala akong karapatan na sabihin sa kanya na hindi naman talaga siya gusto ni Claire. Si Claire lang ang may karapatan na magsabi sa kanya. "Don't worry, wala akong balak agawin si Claire kaya huwag kang matakot." Tumawa siya ng kaunti at sinabing, "Sinong may sabing natatakot ako? I know na ako lang at wala nang iba. I know that Claire loves me. Hindi niya ako kayang ipagpalit. Lalo na sa isang kagaya mo." Walang kamalay malay na hindi pala siya mahal ni Claire. Hindi nga talaga lahat ng nasa isang relasyon, eh nagmamahalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD