CLAIRE
NAGSIMULA na akong nakaramdam ng sobrang lamig nang sinimulan na naming tahakin ang kabundukan ng Baguio. I'm glad that we didn't travel at night time kasi masyadong delekado. Bangin eh tapos madilim pa. Kinuha ko ang makapal na jacket at isinuot ko ito. Nilingon ko si bessy at nakita ko nakasimangot pa rin siya hanggang ngayon dahil sa ginawa ko. Napabuntong hininga ako.
Dahil sa ginawa ko kanina, imbes na maging masaya ang trip na 'to, naging malungkot. Bessy has been ignoring me since earlier. Fault ko din naman kaya siya naiinis sa akin at hindi ako pinapansin. Even that loser wasn't talking to me nor looking. Not like I care. Si bessy lang ang pakielam ko. I hate it when bessy acts like this. 'Yung hindi niya ako pinapansin. Nasasaktan ako eh.
Hinawakan ko ang balikat ni bessy and slightly shook her. "Bessy, are you still mad?" I asked the obvious. As expected, she completely ignored me. Ngumiwi lang siya pagkatapos ay ipinikit ang kanyang mga mata and again, I heave another deep sigh. I leaned my back on my seat and gazed outside the window. This trip is supposed to be fun but what's happening now? Nakakainis lang. Mabuti pa 'yung mga iba kong kaklase, masasaya. Ako din naman ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito si bessy.
I've already decided to end what Carl and I have and then the next, I... I... ugh, I'm so stupid! Maybe the loser was right. I really am a f*ck girl.
Nang nagsimula naming daanan ang zigzag road, I started to feel a bit dizzy. Kung bakit pa kasi zigzag ang daanan eh. Hiluhin pa naman ako but of course, I won't show it to my classmates. Nanahimik na lang ako at ipinikit ang aking mga mata, trying to avoid to vomit because I swear, sobrang nahihilo at nasusuka na ako.
Suddenly, I caught the scent of a dalandan. I slowly opened my eyes just to see a dalandan just below my nose. It was bessy. "Amuyin mo 'yang dalandan para kahit papaano eh mabawasan ang pagkahilo mo." sabi niya pagkatapos ay ngumiti sa akin. I seriously love this girl! I'm glad that we are besties. Napaka-swerte ko talaga sa kanya. Kahit na galit siya sa akin, nag-alala pa rin siya sa akin dahil nga nahihilo ako.
Tinanggap ko 'yung dalandan at patuloy itong inamoy. "Thanks, bes," pagpapasalamat ko. Naramdaman ko ang biglang pagyakap sa akin ni bessy at hindi na nagsalita pa. Isinandal ko ang ulo ko sa kanya at ipinikit ang aking mga mata pagkatapos ay maya maya na lamang, nakatulog na ako.
***
MGA 6PM na nang nakarating kami sa lugar na tutuluyan namin. We will be staying in a rest house and not in some fancy hotel in Baguio. Ayos lang naman sa akin dahil medyo malaki ang rest house at kasya kaming lahat. Maganda ang ambiance niya at maganda ang tanawin. Masarap pa ang simoy ng hangin at malamig. Good thing I brought a thick and warm jacket with me. Nagdala nga din ako ng scarf to make sure na hindi ako lalamigin. You see, ginawin ako kaya kailangan ko talaga ng makapal na jacket at scarf.
Since gabi na kami nakarating at pagod na ang lahat, we have decided to stay and take a rest na lang muna then we'll be going on a tour tomorrow at Burnham park. Sana lang ay makalimutan nila na magpunta sa Laperal White house but knowing Joy, who's obsessed with horror stuffs, hindi niya makakalimutan 'yun. But sabi nga nila, hindi ba? Face your fears dahil walang mangyayari kung matatakot ka.
Medyo nahihilo pa din ako kahit nasa labas na kami ng bus. Inaalalayan ako ni bessy habang naglalakad papunta sa loob ng rest house samantalang si Carl at si loser naman ay ang nagbuhat ng mga bagahe namin. Kahit na nasa likod namin yung dalawang lalaki at hindi sila nakikita, I can still feel the tension surrounding around them.
I bet si bessy din eh nararamdaman 'yun pero hindi lang niya sinasabi. I looked over my shoulder just to see Carl smiling at me. Hindi pa siguro niya nalilimutan yung paghalik na ginawa ko sa kanya kanina. Pagkatapos ay tumingin ako kay loser.
As soon as I looked at him, he avoided his gaze. He doesn't look happy. Sino ba naman kasi talaga ang matutuwa sa ginawa ko, hindi ba? Ibinalik ko ang tingin ko sa harap at nagpabuntong hininga na lang.
"Ano ang nararamdaman mo ngayon?" bessy asked out of the blue. Tumingin ako sa kanya at nakita ko na seryoso siyang nakatingin sa akin. It's rare to see bessy serious. Napaka-mapambara kasi ni bessy at puro kalokohan ang lumalabas sa bunganga niya.
"Yung totoo ha? Ano ang nararamdaman mo ngayon?" pag-uulit niya na tanong. I know that she was referring to what happened just a moment ago sa stop over namin pero iba 'yung sinagot ko.
"I'm fine. I am no longer dizzy," sagot ko. Nagbuntong hininga si bessy at umiling-iling na lang.
Pero kung ano ang nararamdaman ko? Nalulungkot ako. Sobrang nalulungkot at naguguilty ako sa ginagawa ko. Pero ewan ko. I just can't let Carl go. Sa totoo lang kasi, parang nagugustuhan ko na si Carl. I just don't know if this 'like' is just friends or something else. What if, pag binitawan ko na siya, saka ko ma-realize gusto ko na pala siya more than friends?
Sobrang naguguluhan talaga ako. "Hay nako bessy. Pag hindi mo nilet-go si Carl habang maaga pa, lalo siyang masasaktan. Ang alam niya is mahal mo siya so paano pag nalaman niya na hindi mo naman pala talaga siya gusto? Edi lalo siyang masasaktan,"
"Alam ko naman 'yun, bessy eh! Pero kasi, hindi ko alam. Naguguluhan ako," sagot ko naman.
Tahimik kami na umakyat sa second floor kung saan nandoon yung kwartong tutulugan namin. Sa bawat kwarto, may dalawang kama pero sa kada kama, dalawang tao ang pwedeng matulog since malaki naman ang higaan which is a good thing.
Obviously, si bessy ang katabi ko. I wonder kung sino ang dalawa pa naming makakasama. Anyone but Joy please. Baka kasi hindi ko makayanan kapag nagstart siyang magkwento ng nakakatakot.
Pagdating namin sa kwarto, ipinasok nila loser at Carl ang mga bags namin.
"Salamat boyfie," pagpapasalamat ko kay Carl pagkatapos ay hinalikan sa pisngi na nagpangiti kay Carl.
Napaatras ako nang narinig ko ang biglaang pagdabog ni loser habang naglalakad palayo. Suddenly, I realized that not only one person is hurting because of me but two.
I caught Carl's smug look habang tinitignan si loser habang naglalakad papalayo. Napalingon ako kay bessy nang nagtaray siya bigla. I guess she didn't like Carl's reaction.
"Carl, baka gusto mong lumabas na muna? Baka kasi gusto naming magpahinga."
Carl's smug look disappeared and was replaced by a frown. Hindi na lang siya sumagot at lumabas na ng kwarto namin.
"Ito talaga. Tinulungan na nga tayo nung tao na buhatin ang mga bag natin, tatarayan mo pa?" sabi ko pagkatapos ay umiling-iling.
Nanlaki ang mata ni bessy pagkatapos ay inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa balikat ko na ikinagulat ko. Nagulat ako nang ginawa niya yun pero lalo akong nagulat nang niyugyog niya ako bigla.
"SINO KA?! SAAN MO DINALA ANG BESSY KO?! SAAN?! IBALIK MO SIYA!" OA niyang reaksyon. Suddenly, I realized that this is the first time na mabait ako. Hindi ko nga alam kung bakit. Siguro dahil sa pagod ako at wala sa mood para mag-maldita.
"Pwede ba bessy, tantanan mo ako" iritado kong sabi at inalis ang kamay niya sa balikat ko. Nagpunta na lang ako sa kama at humiga ng padapa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Ano ba naman tong pinasok ko?
Pero bakit nga ba iniisip ko masyado 'yun? I mean, hindi naman malalim yun diba? Ang babaw nga lang nun eh.
"Itigil mo na kasi yang panloloko mo kay Carl bago pa mas lalo ka pang mahirapan sa pakikipaghiwalay. The more na magtatagal kayo, the more na masasaktan si Carl."
"Sa graduation nga ako makikipaghiwalay," sagot ko.
"Graduation?" Paguulit ni bessy habang nakataas pa ang isa niyang kilay.
"Fine! Fine! Sige na! Makikipaghiwalay ako after ng trip na to, okay?" inis kong sabi at napangiti si bessy.
Naramdaman ko na humiga din si bessy sa tabi ko at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Napangiti na lang ako at ipinikit ko ang mga mata ko and slowly drifted in my own dreamland.