Guilt & Regrets

1007 Words
I WOKE UP because of annoying chit-chats and as soon as I opened my eyes, the first woman I saw was no other than the woman I hated the most. Ang sakit sa tainga ng bunganga niya. "For Pete's sake shut the hell up! May natutulog!" I growled as I sat up. "My, my, gising na pala ang sleeping bruty," sabi ni b***h Penelope habang nakataas ang isa niyang kilay. "Ano? May energy ka na naman sa panloloko mo kay Carl?" Tinignan ko siya ng masama. "Hindi ko siya niloloko!" "LIAR!" sigaw niya. "Alam ko na hindi mo naman siya mahal pero nag bibigay ka ng motibo?!" Kita ko ang galit sa mga mata ni Penelope. I have no idea if the reason is because she hated my guts a lot or she still love Carl kaya ayaw niya itong nakikitang nasasaktan. "What's it to you ba?! Mind your own business, b***h!" sigaw ko sa kanya. Okay, fine! Mali ang ginagawa ko pero ano bang problema nitong babae na to? Bakit pa siya nakikisali? Lalaki lang ang issue kapag binanggit pa niya ng binaggit eh. Tapos, may kasama pa kaming ibang tao dito. "Anong nangyayari dito? Ingay ingay, may natutulog eh," sabi ni bessy na kakagising pa lang. "anong meron?" "Eh kasi yang babaeng 'yan! Napaka pakielamera!" Sabi ko sabay turo kay bitchy Penelope. Lumingon si bessy sa direksyon na tinuro ko at kita sa mukha ni bessy ang pagkagulat. "Anong ginagawa mo dito, Penelope?" tanong niya. "Obviously, ka room mate niyo ako— unfortunately," sagot niya. "Oh, okay. Ayos lang naman sa akin," sabi ni bessy. "Kunwari na lang, hindi ka nag e-exist." mabuti naman at iniba ni bessy ang topic because to be honest, pag nagpatuloy 'to, matatalo lang ako. I know na tama kasi si Penelope. It's just me who doesn't want to accept my mistake. I guess tama nga ang sinasabi nila na makipaghiwalay na ako hangga't hindi pa sobrang lalim ng pagtingin sa akin ni Carl at para hindi din siya masyadong masaktan. We've been together for 3-4 weeks, I think? Siguro ay okay na 'yun. Siguro naman ay kahit papaano, naging masaya si Carl and well, naging masaya din naman ako na kasama siya. But to be honest, hindi 'yun 'yung klase ng saya na hinahanap-hanap ko. It feels like, I am an incomplete puzzle. Parang may kulang talaga. Oo, mayaman ako. Oo, madaming nagkakarandapa sa akin. But still, pakiramdam ko ay may kulang. Anong kulang? Hindi ko alam. I am still in process of finding it. Pero siguro, malalaman at makikita ko ang real happiness kapag sinubukan ko ang iba't-ibang bagay. I want to find it. I want to find my happiness. *** BRANDON Burnham Park. Ang lugar sa Baguio na una naming pinuntahan. 7am nang makarating kami sa Burnham Park. Napakaaga, diba? Nagdecide kami na ganung oras magpunta para at least, mas madami kaming mapuntahan bukod sa mga plano naming puntahan at para makapag enjoy. Enjoy. Yeah, right. As if naman na magagawa ko 'yan lalo na sa nakikita ko ngayon. Napabuntong hininga na lang ako at sa pagbuntong hininga ko habang pinapanood ang taong mahal ko at taong pinagseselosan ko na naghaharutan at naglalambingan. Ewan ko ba. Nakakagigil lang. Ang mas nakakainis pa, ay alam kong hindi naman talaga mahal ni Claire yang Clark na 'yan. Hindi ba nararamdaman ni Clark 'yun? Manhid ba talaga siya or ramdam niya pero kinukumbinsi niya lang ang sarili niya na mahal siya ni Claire? "Kung hindi ka na-torpe, edi sana, ikaw ang nasa posisyon ni Carl ngayon. Edi sana, ikaw ang kaharutan at kalambingan ni bessy ngayon. Sad noh?" saad ni Jessica. "Eh kahit naman pinormahan ko siya noon, wala din namang kasiguraduhan na —" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil naramdaman ko ang biglang pagbatok sakin ni Jessica ng medyo malakas. Medyo na out balance ako at natalisod. Good thing, hindi ako nalalaglag kasi, walang sasalo at masasaktan ako kapag tumama ako sa sahig. Parang siya — hindi ako nasalo 'nung nahulog ako. "ARAY! BAKIT MO GINAWA 'YUN?!" sigaw ko kay Jessica nang nakatayo na ako ng diretso at nakatingin sa kanya ng masama. "Eh nakakainis ka kasi! Napaka nega mo! Hindi mo pa nga nasusubukan tapos, ganyan agad sinasabi mo?! Gigil mo ako eh!" she retorted. I then realized na tama siya. But it's too late to try. May boyfriend na siya. Her so-called-"boyfriend" and she's in a so-called-"relationship". "Ayos lang yan, Brandon. Mag bre-break din sila. Walang forever!" napalingon ako sa isa pang pamilyar na boses at nagulat na si Joy pala 'yun, and mukhang nakahalata na siya sa nararamdaman ko para kay Claire. Hindi na ako magugulat dahil andun ang lahat nang nangyari ang commotion na sinimulan ng magaling na si Penelope. "Mag-asawa nga, naghihiwalay. Naglolokohan. Paano pa kapag magjowa palang," sabat ng isa namin kaklase na lalaki na si Geoff. "Alam niyo, grabe din kayo eh noh? Wala akong planong agawin siya mula kay Carl, noh? Hindi maganda. Hindi tama." sagot ko. Nagtaas ng isang kilay si Jessica at sinabing, "Bakit? May sinabi ba kaming sulutin mo si bessy mula kay Carl?" "Baka naman... may plano ka talagang sulutin?" pang aasar ni Geoff sabay ngisi. Hindi ko malaman kung bakit ba nakikipagusap 'tong dalawang 'to sakin na para bang close kami. Napakachismoso't chismosa nila at ang lakas pa ng pangaasar nila. "Hindi ko ugali 'yun saka, pwede ba —" napahinto ako sa pagsasalita sa ikalawang pagkakataon dahil bigla akong kinalabit ni Joy at tinuro niya ang direksyon ng magjowa at grabe, nakakaselos talaga ang eksena. Si Claire, nakaangkas sa bike na minamaneho ni Carl habang nakapulupot ang braso ni Claire sa bewang niya. Napayukom ang mga kamao ko dahil sa nakikita ko at bigla akong napaisip na, kung hindi nga kaya talaga ako naging torpe, ako ba talaga ang nasa lugar ni Carl ngayon? Ako kaya ang nagbibike habang naka pulupot ang braso ni Claire sa bewang? Hindi ko alam. Nasa huli nga talaga ang pagsisi. Kung maibabalik lang sana ang panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD