Hindi naman ako tumakbo ngunit hingal na hingal ako noong lumakad ako palabas ng cottage. Pakiramdam ko ay sinisilaban ang buo kong katawan sa init. Hindi ako makapaniwala na nagawa na naman iyon ni Ingrid. Noong una naming dating dito sa isla ay madalas niya akong pilitin na tabihan siya. Kahit naman hanggang ngayon. Hanggang sa naging mga ibang trainees na ang kinakausap niya. Madalas ay napipigilan ko siya. Tumigil siya ng ilang gabi dahil nagtanong na ako kay Mayor kung ano ba ang dapat gawin kapag nakararamdam si Ingrid ng gano’n. Ang sabi ni Mayor ay may iniinom daw itong gamot para mabawasan ang libido sa katawan. Ngunit madalas daw ay hindi iniinom iyon ni Ingrid. Kanina, pagkatapos naming kumain ay pinanood ko pang inumin iyon ni Ingrid bago kami umuwe. Pero mukhang mali ata a

