“Yey!” magiliw na sabi ni Ingrid noong naglapag na ng pagkain sa lamesa namin ang waiter. Nasa isang chinese restaurant kami ni Ingrid. Ni hindi ko nga alam ang mga pangalan ng mga iyon pero mukhang masasarap. May noodles at seafood. Kanin lang ang kilala ko. Pinanood ko lang si Ingrid noong nag-umpisa na siyang kumuha ng ulan. Hawak niya ang dalawang stick sa kanang kamay niya at iyon ang ginagamit niya sa pagsubo. Tiningnan ko ang plato ko. Mayroon ding stick ngunit walang kutsara. Mukhang hindi rin maganda kung magkakamay ako. Lahat ng mga nakikita kong kumakain ngayon dito ay iyon ang ginagamit. Tumikhim ako. “Ingrid,” tawag ko sa kanya. Sandali akong tiningnan ni Ingrid. “Yes?” “Hindi ako marunong gumamit nito. Wala bang kutsara rito?” Tiningnan ni Ingrid ang dalawang stick

