Chapter 15

1687 Words

Naging madali ang pagpasok ko sa LiquidDoze bilang isang bouncer. Habang tumatagal ay marami akong nalalaman tungkol sa club. Kagaya ng sabi-sabi ay hindi basta-basta ang club na ito. Ang alam ng iba ay normal na sayawan lamang iyon ng mga mayayaman. Mga may perang gustong mag-aksaya pa ng pera. Ngunit ang hindi alam ng lahat ay para din iyon sa mga taong naghahanap ng panandaliang aliw. Marami nga akong nakikitang mga babae at lalakeng sumasayaw sa mga pribadong silid. Sa ikalawa at ikatlong palapag kasi ako nakatoka. Gabi-gabi ay may mga nakikita akong mga taong mga magagara ang mga suot na pumapasok sa mga silid na iyon. Kasunod ang mga kasamahan kong halos wala nang saplot. Noong una ay na aasiwa pa ako sa kanila. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ginagawa nila ang gano’ng trabaho.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD