Chapter 1 : Voiceless Pianist
"Kamusta? May dumating na bang bulaklak para sayo, Mayari?" iyan ang bungad na tanong sa akin ng pinsan ko na si Lou. Nakangiti ito ng magiliw sa akin.
Umiling ako bilang sagot.
Sumimangot ito. "Gano'n ba? Bakit kaya? May ideya ka?" usisa nito. Lumapit siya sa akin at sinumulan niya akong tulungan na ayusin ang buhok ko.
Umiling lang uli ako bilang sagot. Nakatingin ako sa sarili ko sa salamin.
Every performance or concert ko may dumarating na bulaklak para sa akin, galing kay C. Andrado. That's that initial in the letter and there's a heart emojis and "good luck" in there. Pero ngayon. . . wala akong natanggap. At wala akong pakialam ro'n. I don't even know who's that C. Andrado, I don't even have any idea.
"Aw. . Sayang naman." sabi naman ni Lou.
Hindi ko siya pinansin at pumunta sa likod ng curtain, naroon ang organizer ng event na 'to. It was charity event. Pinagbigyan ko lang sila kasi dahil gusto ko ang advocacy nila at gusto ko ang mga hayop. This charity event is for stray animals foundation.
Sinabi niya ang mga gagawin ko. After the speech, lalabas ako para tumugtog.
Malakas na palakpakan ang sumalubong sa akin nang bumukas ang malaking kurtina ng malawak na theatro at naglakad ako papunta sa gitna, yumuko ng kaunti at pumunta sa harapan ng piano ko. Naupo ako sa upuan na nasa tapat no'n at sinimulang tumugtog.
"I really like how she play!"
"She's amazing!"
"I really need her autograph."
Iba't ibang papuri ang narinig ko mula sa bibig ng mga audiences sa kabila ng malakas na palakpakan. I'm used to it. Lagi akong nakakarinig ng papuri pero hindi ko magawang ngumiti o maging masaya man lang.
Pakiramdam ko lahat ng ngiti at papuri nila ngayon ay palabas lang. Hindi totoo.
Gano'n kasi ang pinakita sa akin ng Daddy ko noon. Nakangiti siya no'ng kinuha niya ako sa bahay ampunan, mukha siyang mabuti tao pero hindi naman pala. He's a monster in disguise.
Nakatayo na silang lahat at mukhang nag-enjoy naman slla sa performance ko. Walang emosyon akong nakatingin sa kanila, yumuko at agad na umalis sa intablado.
"You have a great performance there, Miss Mayari!" may isang lalaki na lumapit sa akin, malawak ang ngiti niya.
Annoying.
Hindi ko siya pinansin at basta na lang nilagpasan. Wala akong pakialam kong anong sasabihin niya. Mas maganda na 'yon, huwag pansinin ang mga taong hindi ko kilala at wala akong balak kilalanin.
People. They just bored me. Masasayang lang din ang laway nila dahil wala naman silang matatanggap na sagot mula sa akin.
I'm mute. And they knew about that. Hindi naman nakatago ang special needs ko. But still, they talk to me and expected me to talk back to them? Annoying. Insulting. Tapos kapag sumagot ako ng sign language, nganga sila. Kaya mas mabuti na lang na huwag silang pansinin.
"Miss Mayari! Are you leaving already?" another human being approached me. Babae naman ngayon.
Hindi ba niya nakikita na naglalakad na ako paalis? Bulag pa siya? Hindi ba niya nakikita na nagmamadali ako? Gusto ko ng umalis. Gusto ko ng tumakas sa mga tao rito.
Asan na ba si Lou?
"Can I have a picture with you, Miss Mayari? Just one, please. . " pangungulit pa ng isa.
And now, ang crowded na.
Malapit na akong umirap dahil naiirita na ako.
"No, she need to rest guys." biglang sumulpot si Lou na siyang pinagpapasalamat ko. "She have a second performance tomorrow." sabi pa niya bago niya ako iginaya papalayo sa lugar na 'yon.
Para akong nakahinga ng maluwag. Siya ang savior ko kapag nasa gano'ng sitwasyon ako. Ayaw ko rin kasing maka-offend hangga't kaya ko.
Lourdeiz Fabroa, my cousin and also my manager. Siya ang lagi kong kasama sa mga ganap ko. Sa mga concert or special events.
Nang nasa parking area na ako, sinalubong ako ng guard pero hindi ko sila pinansin. Gano'n din ang ginawa ko sa driver na inalok pa ang kamay niya para alalayan akong sumakay sa kotse.
"That's rude, Maya." sita sa akin ni Lou na kakasakay lang ng kotse ay kandong kandong pa niya ang ibang mga gamit ko.
Hindi ko siya pinansin at inalis lang ang gloves ko bago sumandal sa kinauupuan at tumingin sa labas ng bintana.
Kitang kita ko ang malaking billboard na may mukha ko.
Napabuntong hininga ako.
Here in Spain, people here is drawn in the art of piano. . . At kung susumahin, naka-isang daang mahigit na akong nag-concert sa iba't ibang bansa. Piano is a bit boring, I can say that, but it's my talent. . . That's why my tickets are only exclusive to VVIP and only a few privilege people can watch my performance except when I do a charity works. Kagaya kanina.
Less that 20 to 30 visitors are the maximum and most of them are adults. Iilan lang ang mga kaedad ko.
I am successful and known kahit na 5 years pa lang simula no'ng nagpakilala ako sa madla. Hindi ko naman ginustong sumikat. Ayaw ko sa crowded place. Ayaw kong makihalubilo. It's just that. . . some of the veterans acknowledged my performance and praised me. Kaya mas naging madali sa akin ang pag-akyat sa taas at nakilala.
Bigla na lamang akong nakaramdam ng pagod kaya naman ipinikit ko na lang ang mga mata ko.
"Lilipad na pala tayo pa-Pilipinas, Maya. Sa wakas! Magkakaroon ka ng concert doon! Buti naman at hindi mo na tinanggihan ang bansa mo!" bakas ang saya sa boses niya.
Hindi ko naman siya sinagot. Pero patuloy pa rin siya nagsalita. Hindi ko siya pinakinggan. Sanay na kami sa isa't isa. Siya, maingay at madaldal. Ako, tahimik at walang paki.
I'm not totally rejecting Philippines. Bakit ko naman gagawin 'yon? Philippines is my home land. Doon ako lumaki bago ako dinala ng Lolo ko sa Spain to build a new home and name.
Sadyang ayaw ko lang umuwi muna dahil pangit ang alaala ko sa bansang 'yon.
Anak ng corrupt na politician.
That's me.
And my adoptive father was abusive. He's a monster. Governor na corrupt. Ang ganda ng ngiti pero magnanakaw. Ang ganda ng porma pero demonyo. You think the devil has horn? So did I. But he's wearing a sweetest smile, and clean barong Tagalog.
Kaya lang naman ako nakaalis sa puder niya no'ng hinuli na siya ng pulis at nakulong. Ang laki ng nagawa niyang kasalanan na pati akong anak niya ay nadadamay. Mabuti na lang at naroon ang Lolo ko nang oras na 'yon at inilayo ako sa magulong mundo ng taong umampon sa akin.
Wala na akong balita simula no'n. Siguro nabulok na siya sa kulungan. Sana.
Bumuntong hininga ako. Ayaw ko ng alalahanin ang nakaraan ko dahil naninikip ang dibdib ko. Napahawak ako sa pulsuhan ko. It was full of track of my past. Kaya binigyan din ako ni Lolo ng gloves ko. . . to hide it from my sight and to keep my hands safe. Para hindi na masugatan. Para hindi ko na sugatan.
Nakarating na kami sa De Luca Hotel kung saan kami naka-check in temporarily. Narito na rin kasi ang mga gamit ko para pagkatapos ng second performance ko bukas ay makakalipad na kami kaagad papuntang Pilipinas. Hindi ko lang alam kung kailan eksaktong araw.
"Mauna ka na, Maya ah? May kukunin lang ako sa clerk desk. Tapos order na rin ako foods natin." sabi niya sabay kindat sa akin. Napailing na lamang ako at naglakad na papunta sa elevator.
"Wait!" may humiyaw na lalaki, mukhang gusto niyang sumakay din sa elevator pero wala akong ginawa kundi panooring sumara ang pinto ng elevator bago pa siya makapasok. Hindi siya nakaabot.
Nang makarating ako sa hotel room ko ay agad kong inalis ang damit ko at nagtungo sa banyo upang maligo. Nang matapos kong linisan ang sarili ko at makapagbihis, biglang tumunog ang cellphone ko.
Tito Rojas' calling. . .
Katapid 'to ng Tatay ko, panganay na anak ng Lolo ko.
Tumigil mag-ring ang cellphone ko pero muli na naman 'tong tumunog kaya naman sinagot ko na 'to. Inilagay ko ang phone sa tainga ko.
I tap the speaker of my phone in morse code which means "Hello, Tito."
"How's my pretty pamangkin's performance?" magiliw na tanong nito sa akin.
I tapped my phone again in morse code which means, "good."
Bago pa man makapagsalita uli si Tito ay pinatay ko na ang tawag at binato na lang kung saan ang cellphone ko.
Annoying.
Useless.
Ilang beses ko ng sinabi sa kanila na huwag nila ako kokontakin through call kasi pakiramdam ko ginagago nila ako. But they insisted, they learned the morse code so we can talk through call pero ayaw ko! I hate it. I tried. . . but I hate it.
"What the heck, Mayari? Bakit basag basag ang phone mo?" iyan ang naging hiyaw ni Lou nang makita niya ang kawawang selpon sa sahig. "Did Papa called you again?" tanong niya at alam na niya agad ang sagot nang tinignan niya ako.
Hindi 'to ang unang beses na ginawa ko 'yan.
"Don't be rude to my Papa, Maya. And he's your uncle too. . ." pangangaral nito sa akin.
"Okay." sabi ko gamit ang sign language.
Bumuntong hininga siya. "Bibilhan na lang kita ng bagong phone sa Pilipinas. At sasabihan ko na rin sila na huwag ka ng tawagan, text text na lang. Alam naman nilang irritable ka lagi."
Napa-irap ako sa huli niyang sinabi.
Natawa lang siya sa reaksyon ko at inaya na niya akong kumain. Hindi ko nga alam kung saan siya kumukuha ng pasensiya sa ugali ko.
"Nag-text si Papa, sabi niya ang bastos mo raw." imporma niya sa akin habang kumakain kami.
"Next time, just text me. I hate using morse code. It's annoying." sabi ko gamit ang sign language.
Natawa naman 'to at naiiling pa na nagtipa sa phone niya.
"Manonood pa rin daw siya ng performance mo bukas kahit na sinungitan mo siya." natatawang sabi niya sabay pakita sa akin ng screen ng phone niya. Nakita ko rin ang nakasimangot na emoji na senend ng Tito.
Tumango na lang ako at kumain.
Tito Rojas became my second father figure. Simula no'ng namatay si Lolo siya na ang pumalit upang maging Tatay-Tatayan ko. Sa kaniya ko pinamahala lahat ng yaman na iniwanan sa akin ng Lolo ko na umabot na sa punto na nagrereklamo na siya.
He's old and his only daughter and heir, which is Lou wants to be my manager instead of managing their—my company business rather.
"At may sasabihin daw siya sayo bukas." dagdag pa ni Lou sabay ngiti ng nakakaloko.
Hindi ko gusto ang ngiti niyang 'yon.
Alam na alam ko na hindi ko magugustuhan ang bagay na sasabihin niya bukas dahil sa itsura ni Lourdeiz ngayon.
"I don't care." I signed.
Natawa lang siya.
"You can have all my wealth, Lou, all of it. Just don't bring up that topic again." sabi ko gamit ang sign language.
Tinikom niya ang bibig niya nang makita ang reaksyon ng mukha ko.
Alam ko ang sasabihin nila sa akin bukas. It's either about my condition and how to heal it or about my arrange marriage to the Andrado's first born, General Carmichael Andrado.
Nang matapos kong kumain ay nauna kong niligpit ang pinagkainan ko. Pumunta ako kaagad sa kwarto at nahiga. Tumulala ako sa kisame.
Morse code.
Sign language.
Nod and shaking my head.
Iyan lang ang paraan para makipag-usap ako sa ibang tao. Kung alam ko na hindi nila ako maintindihan sa morse code at sign language, tango at iling lang ang ginagawa ko. Minsan nananahimik na lang ako kaya nagiging bastos na ako. Naiirita rin ako kaya naman pinipili kong huwag na lang makipag-interact. Kaya tamad na tamad akong makipag-socialize. This career of mine, being the voiceless pianist, is my choice. Kasi kapag ako magmamanage ng company ni Lolo, hindi rin ako siseryosohin ng board members.
Gusto ko namang gumaling. . . I am not totally mute. I am not born mute. I choice to be mute. . . Hanggang sa nakalimutan na lang ng bibig kong magsalita. I don't know. . . Because of trauma. Know one hear my cry when I was crying for help. Know one hear my pleading and begging when I was dying in hunger. Ang dami nilang tao sa bahay pero ni isa walang nakinig. Kaya pinili ko na lang manahimik. Hanggang sa wala na akong boses.
And this arrange marriage. . . it's either this man will be disappointed. Or I wil be disappointed.