Chapter 9 : Hold up

2220 Words
Maraming beses humingi ng tawad sa akin ang parents ni Carmichael. Halos mangiyak-ngiyak pa ang Mom nito habang ang Dad niya naman ay kitang kita na nahihiya sa ginawa ng anak niya. "Ano pa bang magagawa natin? Tapos na ang party. . . Pumunta man si Carmichael o hindi, naganap na ang kasunduan." sabi naman ni Tito Rojas. At iyon ang hindi ko matanggap. Tang Ina. Pupunta na nga lang ang gagawin niya ay hindi pa niya magawa. See? He's so performative! Kaninang nag-aayos ay umaakto siyang excited, tapos biglang wala naman pala siya. Si Tito Rojas ay hindi ako pinayagang umuwi sa bahay ni Carmichael ngayon. Alam ko na kahit sinabi niyang ayos lang ang nangyari ay may tampo siya sa lalaki. "Ayos ka lang, Mayari?" tanong sa akin ni Lou nang nasa byahe na kami. "Yes. Pagod lang ako." "Iyong totoo? Aminin mo na, kahit sino naman masasaktan sa nangyari." sabi nito, hinarap niya ako at tinignan ako sa mata. "I'm not hurt because I expected it." sabi ko naman. Hindi naman gano'n kalalim ang nararamdaman ko sa lalaki para masaktan dahil hindi niya ako sinipot. "And I'm disappointed." dagdag ko pa. At oo, dismayadong dismayado ako. Gano'n talaga siguro kung nag-expect ka sa isang tao. Nakakatawa na binigyan ko pa siya ng pagkakataon na huwag akong biguin. Bumuntong hininga si Lou and she started yapping about what happened. Walang ganang nakinig lang ako sa kaniya. KINABUKASAN, sinundo ako ng Mom ni Carmichael sa bahay ni Tito Rojas. Nagulat ako, hindi ko inaasahan. Nasa sala kami ngayon, si Tito Rojas at si Lou, kaharap namin ang ginang na humingi na naman ng dispinsa. "I'm here to explain in behalf of my son, Carmichael." simula niya nang makita niyang handa na kaming makinig sa sasabihin niya. Ang Mom ang pinapunta niya para magpaliwanag kung anong nangyari? "It's not what you think, Mayari, ihja. Carmichael got busy yesterday's evening, and still is busy today, that's why." sabi ng ginang. Mukhang nabasa niya kung anong iniisip ko. "It's a call of duty, he have nothing to do with it." malungkot na pahayag niya. Okay? I get it. Mabilis na naintindihan ko ang sinabi niya. Nakakaintinding tumango ako. "Sigurado ako na sasabihin din sayo ni Carmichael ang nangyayari. Magpapaliwanag din 'yon sayo. . ." Tumango lang ulit ako. "Gusto mo ba. . . pagalitan ko siya hmm? Kahit na sabihing valid naman ang reason niya, dapat nagsabi pa rin siya dahil naghintay ka." "No need, Mrs. Andrado, it's fine. I totally understand now." I signed. Isinatinig naman ni Lou ang sinabi ko kaya tumango naman ang ginang. "I'm glad that you're understanding." sabi ng ginang. At least, hindi dahil kay Ophelia ang ginawa niyang hindi pagdalo, 'di ba? At least, dahil 'yon sa trabaho niya. . . Sana. . . Sana totoo ang sinabi niyang dahilan. She apologized again. Ngumiti lang ako at tumango. And then, Tito Rojas and her talk too. Lou and I excuses our self. Pumunta kami sa pool area. "Na-busy naman pala!" para bang nakahinga ng maluwag na sabi niya sa akin, "Akala ko sinadya niyang hindi pumunta eh! Nagtatampo kaya ako sa kaniya, pambato ko siya tapos gano'n gagawin niya. Pero ngayon, hindi na ako nagtatampo dahil valid naman pala ang rason niya kung bakit siya hindi nakapunta." pang-dadaldal sa akin ni Lou. Dahil sa trabaho. Naintindihan ko naman kaagad 'yon. He's a general after all. "Ano? Dismayado ka pa rin sa kaniya?" baling sa akin ni Lou. Umiling naman ako. Sino naman ako para maging dismayado kung trabaho niya ang dahilan niya? I should understand him and the nature of his work. "Mayari, ihja. . . " agaw pansin sa akin ni Mrs. Andrado. "Halika, gusto mo ba puntahan si Carmichael sa trabaho niya ngayon? Nalaman ko kasi na sobrang busy siya at hindi pa siya kumakain simula kagabi. . . " "Segi na, Mayari. . " tulak naman sa akin ng pinsan ko. "Magluluto tayo ta's ikaw na magdadala. To surprise him. I'm sure he's worried about you because he did not attend your engagement party. Hindi ka naman galit hindi ba? Show him that it's all right to you." Parang sobra naman yata ang hiniling ng ginang na gawin ko para sa anak niya. Tatanggi pa lang sana ako pero biglang ang pinsan ko ang pumayag para sa akin. "Gusto 'yan ni Mayari! Kayang kaya niya 'yan, Tita!" masaya pang sabi niya. Masamang tinignan ko siya pero kinindatan niya lamang ako. Wala naman kong nagawa. "I don't want to do it." I signed to Lou when Mrs. Andrado isn't looking. "Gawin mo na, gusto ko ring makita mo si General Carmichael sa trabah niya! Tingin ko ma-iinlove ka sa kaniya kapag nakita mo siyang super dedicated sa work niya!" she signed too. Asa. Bumuntong hininga na lang ako. And out of nowhere, my mind wonder how he look likes working his ass off. He's so attractive and appealing when I saw him with his uniform. . . Paano pa kaya kapag nakikita ko na siyang nagta-trabaho? Kaagad akong umiling iling dahil sa iniisip ko. Nakasakay na kaming dalawa ni Lou sa kotse Mrs. Andrado dahil sa bahay daw niya kami magluluto dahil doon ay kompleto ang mga gamit at mga ingredients niya. "Paborito ni Carmichael 'yong beefsteak na niluluto ni Iris eh. . ." panimula ni Mrs. Andrado nang nasa kusina na kami. "Alam mo rin bang magluto ng gano'n, Ihja?" baling nito sa akin. Steak lang ang alam ko. May ilan din akong Pilipino dishes na alam pero. . . may beefsteak pa lang putahi? Hindi ko alam. Umiling ako bilang sagot. "Aww. . Sayang naman." "Sino 'yong Iris, Tita?" tanong ni Lou. "Ah, 'yong private teacher ng anak ni Damain, 'yong pangalawang anak ko." imporma naman nito. "future anak ko na rin 'yong babaeng 'yon, gusto ng anak ko 'yon eh. Magaling magluto si Iris, mapaturo ka minsan." Ngumiti na lang ako. Sa huli ay siya na lang ang nagluto no'ng beefsteak. Ako na lang ang nag-saing ng kanin. Hinayaan niya ring ako ang nag-lagay ng pagkain sa stock container. "Kumain muna tayo bago mo ihatid 'yan." sabi ng ginang nang matapos na kami. Wala sa sariling napatingin ako sa malaking walk clock nila at nakitang alas dose na ng tanghali. Lunch break, sakto. Baka kapag mamaya pa ako pumunta sa station nila Carmichael ay tapos na ang break nila at hindi na naman siya makakain. "Sabihin mo kay Mrs. Andrado, ihahatid ko muna kay Carmichael 'to." I signed to Lou and she said it to Mrs. Andrado. "Baka ikaw din ang magutom," "Edi sabay na lang sila kumain, Tita." sabi naman ni Lou. Sumang-ayon naman kaagad ang ginang. "Ipapahanda ko ang sasakyan mo." "Taxi na lang," senyas ko kay Lou. "No, it's not safe for you." tanggi ng ginang nang sinabi ni Lou sa kaniya ang sinabi ko. "Mag-iingat ako." sabi ko kay Lou. Walang silang nagawa nang lumabas ako, sinundan nila ako at sinabing hintayin ko lang saglit at ilalabas na raw ang kotse. Pero matigas ang ulo ko, kaagad akong sumakay sa taxi na huminto sa harapan ko. Tinawag pa nila ako at akmang papababain pero sinabi ko sa driver na paandarin na ang sasakyan. "Hold-up 'to, Miss. Ibigay mo lahat sa akin ang mga gamit mo kung ayaw mong masaktan," sabi ng taxi driver sa akin. Kaya pala palingon lingon siya sa akin kanina pa. . . Umawang ang labi ko nang mapagtanto ko na. . . F-ck it! Na-hold-up nga ako at sa mismong taxi pa? Ang malas. Kaagad na dinaga ang dib-dib ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari 'to. . . Kung sana hindi na lang ako nagmatigas. Kumabog ng malakas ang dib-dib ko nang makita ko ang hawak hawak niyang baril. Napalunok ako. Nanginginig na ibinigay ko lahat ng gamit na dala ko sa lalaki. Baka totohanin nga niya ang banta niya. Tahimik kong hiniling na huwag muna niyang buksan ang bag na dala dala ko dahil bukod sa cellphone na second hand na binigay sa akin ni Lou, wala ng pakinabang ang iba. Ang lunch ni Carmichael. . "Akin na ang isang 'yan!" sigaw niya sa akin. Tinuro niya ang lunch box na nasa tabi ko. Labag man sa loob ko ay binigay ko 'yon sa kaniya kaagad. Wala sa sariling napapatingin ako sa baril na hawak niya at nakatutok na 'to sa akin ngayon. Nangatal ang buong katawan ko pero hindi ko siya pinakitaan ng kung anong emosyon. Siguro, kung ibang tao ako ay kanina pa ako nag-hysterical sa takot at umiiyak na nagmamakaawa na pakawalan niya ako. Masyado akong sinanay ng adoptive father ko sa mga baril. He loaded his gun in front of me, and pointed it to me. . . sometimes for fun and sometimes because he needs to relief his stress. "Ayan! Iyan ang maganda! Ibigay mo lahat ng walang hirap!" asik niya sa akin. Para pa akong nabunutan ng tinik nang hindi niya sinuri ang kinuha niyang bag sa akin. Basta na lamang niyang inihinto ang taxi sa kanto na walang bahay o tao. Nauna siyang lumabas at binuksan niya ang pinto sa side ko. Mahigpit na hinawakan niya ang pala-pulsuhan ko at hinila niya ako palabas ng taxi. "Subukan mong mag-report sa mga pulis dahil sa oras na gawin mo iyon ay ipapahanap kita at papatayin," banta niya sa akin na hindi man lang naging dahilan upang kilabutan ako. Mas nanaig ang galit sa puso ko sa mga katulad niya na masamang tao. Nagawa pa niya akong itulak. May kalakasan iyon kung kaya't nawalan ako ng balanse at bumagsak sa sahig. Napaigik ako sa sakit. Namanhid ang palad ko dahil naitukod ko rin ito sa sahig. Sinundan ko lang nang tingin ang papalayong sasakyan na iyon. Nakuha at namemorya ko kaagad ang numero ng plate number niya. Sa oras na magkita kami ni Lou ay ipapahanap ko ang lalaking iyon at ipapakulong. Muli akong napatingin sa kamay ko. Kung sana nakapagsuot ako ng gloves sa kamay na madalas kong ginagawa. Dahil takot ako na masaktan ang palad ko. Katulad na lamang ng nangyari sa araw na ito. I took a deep breath and I roamed my eyes around. Huminga ako ng malalim, pa-ulit ulit para pakalmahin ang nanginginig kong katawan. Nanghihina rin ang tuhod ko, nanlalambot ako. Hindi pa ako kumalma at hindi pa makatayo ng maayos kaya nanatili akong nakasalampak sa sahig. . . Nang mabawi ko na ang lakas ko, nang makaya ko ng tumayo ay ginawa ko. Lumabas ako sa eskinata at sinalubong ako ng maingay at magulong kalsada. Traffic. Kaagad kong nilibot ang tingin ko at napangisi nang may makita akong CCTV sa paligid. Muli akong bumuntong hininga at binagtas ang daan. Magta-taxi sana ako kaso wala akong dalang pera. . . At baka maulit na naman ang nangyari kanina. Kahit kailan ay hindi pa ako humingi ng tulong sa kung kanino mang tao but now, I need somebody's help. Hindi ko alam kung anong lugar 'to, hindi ko kabisado. Mabuti na lang at alam ko ang pinaka-address ng station kaya naman lalakarin ko na lang at hahanapin. May mga singed naman ang mga streets eh. Hindi ko na rin plinano na magtanong sa mga tao sa paligid dahil baka hindi lang nila ako maintindihan. Hindi ako sanay na maglakad nang ganoon katagal kaya ramdam ko ang pananakit ng talampakan ko. Ipinagpasalamat ko lang na naka-sapatos ako ng mababa lang. Tagaktak ako ng pawis nang marating ko ang station nila Carmichael. "Oh, Miss?" bungad sa akin ng isang pulis office. "Hala! Si Ma'am Mayari yata 'yan?" sabi ng isang babaeng officer. "Gagi, siya nga!" Tapos wala pang ilang minuto ay napalibotan na nila ako. Kaagad na naagaw ko ang atensyon nila at iniwanan talaga nila ang trabaho nila para lang lumapit sa akin. Ang ilan sa kanila ay namumukhaan ko. Mukhang sila 'yong mga officer na nakita kong dumalo sa engagement party namin kagabi. "Si Heneral Carmichael po ba pinunta niyo rito?" tanong ng isa. Mukhang mas mataas ang ranko niya sa iba dahil isang utos niya lang na bumalik na sila sa trabaho ay ginawa na nila. Pero hindi pa rin matigil ang tingin at bulungan nila. Annoying. Tinangoan ko ang lalaking nasa harapan ko. "Naku, ma'am. . . Busy po si Heneral ngayon. Marami po siyang ginagawa at marami pa siyang tataposin." imporma nito. "Ayos ka lang ma'am?" biglang tanong nito nang pinagsadaan niya ng tingin ang kabuuanan ko. Mukhang napansin niya ang kalagayan ko. Napatingin din siya sa kamay kong nanginginig at may gasgas pa. Mabilis ko namang tinago ang kamay ko sa likuran ko. "What's going on here?" Sa kabila ng panghihina sa pagod at kaba kanina ay tila nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang baritonong boses na 'yon. "Ah, Heneral, andito po kasi 'yong fiance niyo." sabi ng lalaking kaharap ko. "I can see that." tumingin sa akin si Carmichael. Halata na puyat siya dahil sa malaking itim sa ibaba ng mata niya. Pagod siya. "What are you doing here? You're not supposed to be here." sabi niya at medyo nagulat ako dahil seryoso ang tono niya. Ginamit niya sa akin ang tono na ginamit niya kanina sa pakikipag-usap sa officer. Help me. I wanted to say that. "Umuwi ka na, Mayari." at tinalikuran niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD