Pawang wala ako sa sarili habang naglalakad. At pilit na iniisip kung paanong ako lamang ang nakapasa sa contest na iyon.
‘Di mawawala sa isip ko ang naging tagpo kanina. Pagkalabas ko pa lamang sa pinto ay sumalubong na sa akin ang babaeng sa tingin ko ay staff nila rito. At mabilis kaming nagtungo sa mga kasabayan kong naghihintay sa labas.
Lumaki naman ang mata ko nang bigla itong nagsalita. At ‘di ako makapaniwala sa sinambit niya.
“I’m sorry but mayroon ng nanalo sa contest. And here she is, Luna,” masiglang sambit nito na ikinagulat nang lahat.
At kitang-kita sa mga mukha nito ang pagkadismaya sa narinig. Tila ba’y pinagbagsakan ng langit at lupa ang mga itsura nito.
“Ang tagal naming naghintay rito, humigit kumulang anim na oras para lang mauna sa pila. Hindi na nga kami nagreklamo na mas mauuna pa pala ang nasa pinakalikuran, kahit halos maugat na kami rito sa kakahintay at mas uunahin pa pala ang kakarating lang na hindi man lang nainitan ang puwet sa upuan. Kung magsalita man kami alam naman namin wala kaming magagawa hindi ba? Pero sobra naman na yata ito. Tapos lalabas kayo sa pintong iyan na parang walang nangyari. At sasabihin na tapos na ang patimpalak? Naglolokohan ba tayo rito?” nanggagalaiti na sambit ng isang lalaki na halos mamula-mula ito sa galit.
Napatingin naman ako sa buong paligid at kitang-kita ko sa mga mukha nila ang pagsang-ayon.
“Tama! Tama! Hindi na ‘yan patas. Parang mas may pinapaboran kayo! Hindi niyo man lang naisip ang sitwasyon namin! Nagtiyaga kaming pumila rito kahit na may mga exhibit pa nga kaming pupuntahan. Iyang pinili niyo ba professional painter na ba iyan?” singhal pa ng isang babae at nagawa pa nitong iduro ako.
“Oo nga! Sikat ba ang mga obra niyan? Mukhang ngayon ko nga lang iyan nakita!”
“Marami na bang nabentang paintings ang babaeng iyan? Nakabigay na ba iyan ng karangalan sa Pilipinas dahil sa pagpipinta niya?!”
“Pawang baguhan pa lang iyang pinili niyo at wala pang alam! Mabubulok lang ang mga paintings niyan dahil hindi iyan kilala at wala pang napapatunayan!”
Halos napuno nang matinding ingay ang paligid. Lahat sila ay nagsisigawan na at ang iba’y ‘di na tumigil sa pagbibitaw ng masasakit na salita laban sa akin at matutunaw na yata ako sa mga matatalim nilang mga tingin.
Walang magawa ang mga staff para suwayin ang mga ito. Dahil kahit anong gawin nila ay lalo lamang itong nagwawala.
Kaya’t pinili kong magsalita na dapat ay ‘di ko na ginawa.
“Pasensya na kayo, hindi ko naman ito ginusto. Nagulat nga lang ako sa nangyari---”
“Nagulat? O sadyang pumapel ka lang kaya ikaw ang napili. Siguro ay nagmakaawa ka, lumuhod sa harapan ng head para tanggapin nila ang walang kwenta mong mga obra!” bulyaw sa akin ng isang babae at ang mga salitang iyon na mula sa kaniya ay nagpantig sa aking tainga.
Awtomatikong napakuyom ako nang mahigpit sa aking kamao. Tiningnan naman ako nito nang napakasama kaya’t ginantihan ko rin ito nang tingin na mas tatagos sa kaibaturan nito.
“Papayag akong lait-laitin niyo ako. Sabihin niyo na hindi ako magaling sa pagpipinta. Aminado naman ako ro’n na marami pa talaga akong kailangang malaman at matutunan. Lahat naman siguro ng artist ay nagsisimula ro’n. Bakit kayo sa una ba magaling kayo agad? Mahusay kayo agad sa larangan na ganiyan? Lahat tayo nagsisimula sa umpisa, lahat tayo sa una ay walang alam. Pero iyong lalaitin niyo ang pinaghirapan kong akda ay ibang usapan na iyon---”
“Bakit? Totoo naman hindi ba? Walang kwenta ang mga obra mo. Hula ko kahit ilang exhibit pa ang gawin diyan ay wala pa ring bibili, mananatili na lamang iyang palamuti habang buhay,” mapang-insultong sambit pa nito dahilan upang magsitawanan ang lahat.
At sunod-sunod na ang mga panlalait nila at pampababa sa kakayahan ko. Gusto ko mang ipagtanggol ang sarili ko ngunit mas nananaig ang mga tawanan nila at mga insultong salita na binubulyaw at binabato nila sa akin.
“Kahit kailan hindi ka magiging mahusay na pintor!”
“Papunta ka pa lang sa larangan na ‘yan ay pabalik na kami!”
“Nagpaawa iyan para siya ang mapili!”
“Tapos na ba kayong magsalita?”
At sa isang iglap ay bigla silang tumahimik. At nagbago bigla ang mga reaksyon ng mga itsura nito. Kung kanina ay hindi ito maawat sa kakasigaw, kakawala at kakatawa ay naglaho iyon at napalitan nang napakatahimik na paligid. At tanging mga kabog nang dibdib ang tanging naririnig.
At umaalingasaw lamang ang matapang nitong pabango na animo’y nagpapahilo sa akin. Napakurap-kurap naman ako nang mata nang dumako ang malamig nitong tingin sa direksyon ko.
“Sir Dallas, I am Paulo Biu, isa akong tanyag na magpipinta sa lugar ng Pangasinan. Marami na ang bumili sa mga gawa ko, at bukod doon ay batikan na ako sa larangan ng pagpipinta.”
“You better choose me, marami ng nakabili sa mga gawa ko. Mga tanyag pa itong celebrity at business tycoon. Kilala na ang mga obra ko sa iba’t ibang Museum mapalokal man iyan o international.”
“Nakatanggap na ako ng gantimpala mula sa ating Gobyerno dahil nagbigay ako ng karangalan sa Pilipinas dahil sa aking pagpipinta.”
At sunod-sunod na silang nagpakilala sa kanilang mga sarili at talagang lahat sila ay may maipagmamalaki na at may naabot ng achievement o goal bilang isang pintor.
Kaya’t labis ang pagtataka ko kung paanong ako ang napili at marami namang mas may karanasan pa kaysa sa akin. Naghihintay pa ito nang ilang oras para lamang makasali at manalo sa patimpalak ngunit lahat pala ng effort na ginawa nila ay nasayang lang.
“Marami pa namang opportunities na darating kaya’t hindi tayo puwedeng maging madamot sa pagkakataon,” bulong ko sa aking sarili bago ko itaas nang tuluyan ang aking mga kamay.
“Hindi ko tinatanggap ang offer. Ibigay niyo na lang ito sa mas karapat dapat,” sambit ko at mabilis kong hinakbang ang mga paa ko palabas sa opisinang iyon ngunit napatigil ako nang biglang naramdaman kong may bumulong sa aking tainga. Halos magitla ako sa paghinga na pawang nagbigay sa akin ng kiliti.
“Stop… Sinong nagsabing igalaw mo ang mga paa mo paalis? Stay here…beside me…”
Pawang natuod ako sa paraan nang pagbulong nito. At awtomatiko akong napalunok nang tatlong beses sapagkat kakaiba talaga kapag naaamoy ko ang malakas na pabango nito. Naghahatid ito sa akin nang kakaibang sensasyon sa ‘di ko malamang dahilan.
“Wala akong pakialam kung baguhan man o hindi ang napili kong mag-represent ng aking kompanya. Tanyag man o hindi, bihasa man o nag-aaral pa lang, hindi na iyan importante. Basta’t ang mahalaga ang determinasyon, ang puso at higit sa lahat marunong tumanggap ng pagkatalo at pagkabigo. Mayroon ba kayo no’n?” walang emosyong saad nito sa kanila.
“Kayo nga ang nauna rito, nagpagod kayong naghintay, ngunit sapat na ba iyong dahilan para makita kong pursigido kayo sa inyong magiging trabaho? Kayo nga ang una sa listahan ngunit siguradong sa una lang din kayo magaling, nasa unahan na nga kayo nakakaramdam pa kayo ng kainipan, paano pa kaya ang nasa likuran? Kayo nga ang unang dumating ngunit hanggang sa dulo ba makakarating pa kayo?” dagdag pa niya.
Nagkatinginan naman ang lahat sa isa’t isa. At tila nagpapasahan nang tingin kung sino ang mangangahas na magsalita ngunit ‘di ko alam kung bakit bakas sa mga itsura nito ang takot at pangamba, nakakapagtaka lang na pawang kanina ay akala mo kung sino ang mga ito sa pagproprotesta. Ngunit ngayon ay tila nagbago ang sitwasyon.
“Ano pa bang ginagawa niyo sa opisina ko? Kailangan ko pa bang tawagin ang guard para kaladkarin kayo paalis?”
Napalaki naman ang mata ko sa paraan nang pagsasalita nito. Buong-buo ang boses nito na animo’y makakapagbigay ng kaba sa taong makakarinig nito.
Wala pang ilang minuto ay agad nang umalis ang mga ito at bago pa sila makalabas ay pinukulan ako nito nang mga masasamang titig. Ngunit ‘di ko na lamang iyon pinatulan bagkos ay napalipat ang tingin ko sa kaniya na humakbang na papunta sa elevator kaya’t agad ko itong sinundan ngunit mabilis naman akong hinarangan ng mga body guard nito.
“Let her.”
Sa isang senyas at sambit niya lamang ay agad na lumayo sa pwesto ko ang mga body guard nito.
“What---”
“May mga tanong sana ako sa’yo,” kinakabahang sambit ko na ‘di ko mawari kung bakit halos lumabas ang puso ko sa tindi ng nerbyos na nararamdaman ko.
“I’ll just answer three questions, so spill it,” walang kabuhay-buhay na ani nito. At ‘di man lang dumako ang tingin sa akin.
“Sige, ang unang tanong ko, bakit mo ako tinulungan? ba’t mo ginawa ‘yon---”
“You asked me two questions already, so isa lang isasagot ko, hindi kita tinulungan. Then now? Spill your last shot,” mabilis na saad nito na nagpatulala sa akin nang ilang segundo.
Argh. Mabilis akong nag-isip nang kasunod kong tanong. Napakaseryoso naman ng lalaking ito.
“What? May itatanong ka pa ba kung wala ay umalis ka na sa harapan ko---”
“Paano mo nalaman na anak ako ni Leonel Fajardo?”
At ‘di ko inaasahan ay biglang napatingin ito sa mata ko nang diretso na ‘di ko maintindihan dahil pawang matutumba ako sa paraan nang titig niya.
“I know you.”
Napatigil naman ako sa sagot nito. Hindi ko alam at wala nang salita pang lumabas sa bibig ko at namalayan ko na lamang na nilampasan na ako nito at agad na nagtungo sa elevator.
At bago pa pindutin ng kaniyang tauhan ang button ng elevator para umandar ay agad kong hinarangan ito.
“Puwede bang makalibre ng tanong?”
“Nakatatlong tanong ka na aba tama na iyon---”
Hindi ko na hinayaan pang sitahin ako ng bodyguard nito at agad na akong nagsalita.
“Who are you?” seryosong tanong ko rito.
Ngunit hindi man lang ako nito sinagot bagkos ay tiningnan ako nito nang diretso sa aking mata, na tila ba’y kinakabisado nito ang aking itsura. At ako naman ay na-magnet na rin sa paraan ng titig niya. Pawang nakakalasing kasi ito kung makatingin, animo’y nanghahatak ito at nagpapahina sa pakiramdam at hindi ko mahagilap ang rason kung paano nangyayari iyon.
At ‘di ko na lang namalayan na naitulak na pala ako papalayo ng body guard nito kaya’t unti-unti nang nagsasara ang elevator.At dahan-dahan na rin itong nawawala sa paningin ko.
Ngunit bago pa magsara ang elevator ay may narinig akong baritonong boses…
“Dallas Connor.”
**
Naghihintay ako nang masasakyan pauwi. Nagabihan na pala ako dahil nawili akong bumili ng panibagong paint materials.
‘Di ko alam kung tama ba ang pinasok ko na magtiwala sa lalaking iyon na nagsasabing siya ang dating amo ng aking ama. Ngunit wala naman akong magagawa sapagkat ‘yon lang ang tangi kong pagpipilian.
Sinubukan ko naman na ang lahat nang paraan.
Halos lahat ng Museum na bibisitahin ko ay tila tinatanggihan ang aking mga obra. Marami silang binibigay sa akin na dahilan kesyo hindi pa raw nila kayang ibigay ang promotions sa akin, o ‘di kaya’y magsasara na raw sila sapagkat nalulugi na.
At ‘yong iba naman agad din namang papayag ngunit kapag ibinigay ko na ang aking pangalan. Bigla-bigla na lamang magbabago ng desisyon at sasabihing hindi pa pala raw ako kilala or tanyag na magpipinta kaya’t siguradong hindi kami kikita pareho. Kalokohang mga rason!
Kaya wala na akong ibang pupuntahan kun’di ang kompanya ng Dallas Connor na iyon. Mukhang malaking oportunidad ang maibibigay nila sa akin. At ‘yon ang kailangan ko ngayon para magkaroon ng sapat na pera para makakuha ng abogado at makabalik na sa America at makasama ko na ang aking ina.
Napabuntong-hininga na lamang ako nang malalim. Kailangan kong magpakatatag. Alam kong nandiyan ang aking ama para bantayan ako. At baka si Dallas Connor ang tinutukoy nitong pinagkatiwala niya para gabayan at tulungan ako. Kusang sumilay ang ngiti sa aking labi nang maisip ko iyon.
“Dallas Connor…”
‘Di ko mawari kung bakit nakabisado na ng utak ko ang tunog nang boses nito.
Ngunit napatigil ako sa pag-iisip nang namalayan kong tumatagal na ang oras at tila ngayon ko lang naramdaman ang pagkamanhid ng aking mga paa sa tagal nang oras na nakatayo ako rito at nag-aabang nang masasakyan.
Mabilis naman akong napatingin sa orasan. Alas-onse na pala nang gabi.
Napalinga-linga ako sa paligid, at sa lahat ng direksyon. Wala nang katao-tao at wala na ring dumadaan pang sasakyan.
Kaya’t naglakad pa ako sa unahan at nagbabakasali na mayroon pang naghihintay na pasahero o may nakaparada pang sasakyan ngunit napakunot-noo ako nang makitang napakalinis na ng kalsada.
Nakaramdam man ako nang kaba ngunit pinili kong ikalma ang sarili. Agad kong kinuha ang aking cellphone at magpapabook na lang sana ng grab nang biglang may bumisina nang pagkalakas-lakas sa likuran ko.
Halos mabitawan ko ang cellphone ko sa gulat kaya’t dali-dali kong hinakbang ang mga paa ko patungo sa taxi na iyon. At sisinghalan ko na sana kung sino mang demonyong driver iyon nang biglang bumaba ang car window nito at awtomatikong napahinga ako nang maluwag nang makita ko kung sino ang lalaking nasa driver seat.
Ang taxi driver na pinagkatiwalaan ko.
“Manong, ikaw pala, pinakaba mo naman ako,” natatawang saad ko sa kaniya. Ngunit ‘di naman ako nito kinibo bagkos ay nakatingin lang ito sa akin.
“Tamang-tama ang punta mo rito, kanina pa ako naghihintay eh. Kaso walang dumadaan na sasakyan. Nagtataka nga ako kung bakit gano’n. Kinakabahan na nga po ako, magpabook na nga sana ako ng grab pero ngayon na nandito ka na, panatag na ako.”
Sa dami ng mga sinabi ko ay ‘di man lang nito ako nagawang imikan man lang. Napailing na lang ako nang sunod-sunod. Baka sobrang napagod si Manong kaya’t ‘di na makapagsalita.
“Sakay na po ako ha?”
Napatango naman ito agad at mabilis na ibinalik ang tingin nito sa harapan. Hindi ko na lamang pinansin ang pagiging tahimik nito. Naiintindihan ko namang baka maraming naging byahe ‘to ngayong araw. Kaya’t gano’n na lamang ito napagod.
Mabilis akong sumakay sa front seat, at nagitla na lang ako nang bigla na lamang nitong binilisan ang kaniyang pagmaneho na tila ba’y may hinahabol kami.
“Manong, hindi naman po ako nagmamadali. Oo naghintay ako nang matagal para makasakay pero ‘di naman ako nagmamadaling makauwi. Kaya puwede mong bagalan ang takbo,” mahinahon na saad ko sa kaniya.
Napahinga naman ako nang maluwag nang agad nitong sinunod ang sinambit ko kaya’t awtomatiko akong napangiti at napadako ang tingin sa kaniya. Ngunit napasalubong ang kilay ko at nawala ang ngiti sa labi ko nang may kakaiba akong nararamdaman sa kilos nito. Nakakunot-noo kasi ito at ang pagkakahawak nito sa manibela ay napakahigpit na pawang gigil na gigil ito.
“Manong, ayos ka lang ba?" kinakabang tanong ko sa kaniya ngunit ‘di naman ito nag-atubiling sumagot o tapunan man lang ako nang tingin. Bagkos ay lalong hinigpitan nito ang hawak sa manibela.
Kusang kumabog nang malakas ang dibdib ko sa kaba, nawala ang pagiging panatag nang loob ko at napalitan nang panginginig ng buong katawan.
At sa pagtitig ko sa kaniya ay do’n ko naisip ang isang nakakakapagtakang bagay.
“P-paano mo nalamang ando’n ako na naghihintay?” garalgal ang boses ko na tanong ko pa sa kaniya.
At do’n siya tuluyang lumingon sa akin at labas ang mga ngipin nitong nakangiti sa akin.
“Sabi ko sa’yo, ‘wag kang magtiwala sa mga taong nagsasabi sa’yong pagkatiwalaan mo sila,” nakakapangilabot na ani nito sa akin kasabay no’n ang paghinto nito nang sasakyan.
At bago pa ako makagalaw ay agad ako nitong dinaganan at ‘di ko na ito naitulak pa nang takpan nito ang bibig ko ng panyong may nakakahilong amoy.
Nanlalabo na ang mga mata ko ngunit pilit kong inaaninag na may isang lalaking biglang dumating at nabuksan nito ang driver seat. Unti-unti na akong nanghihina kaya’t kusa nang pumikit ang aking mata at ‘di ko na makayanang maidilat pa ito ngunit ‘di nakaligtas sa aking humihina nang pandinig ang sunod-sunod na putok ng baril bago ako tuluyang nawalan nang malay.