Tanging kabog ng dibdib ang naririnig ko sa mga sandaling ito. Napakalakas nito. At pawang nabibingi ako sa lakas ng t***k. Hindi ko mawari kung bakit ganito ang nararamdaman ko at 'di ko alam kung saan ito nanggagaling. ''Luna...'' Nang banggitin na nito ang pangalan ko ay tila na-hypnotize ako't nawalan ng sasabihin. 'Di ko alam kung anong salita ang dapat na lumabas sa bibig ko. Lalo na nang maulinanigan kong papalapit na ang mukha nito sa akin. At 'di ko maintindihan kung bakit kumusang pumikit ang mata ko at naghintay sa gagawin nito. Ano ba talagang nangyayare sa akin? Paanong mismong sarili ko, hindi ko na maunawaan? Hanggang sa naramdaman ko ang mga labi nitong dumampi sa labi ko. Napakainit ng labi niya. Nakakapaso. Nakakawala ng isip. Hinayaan ko lang ito sa balak

