Iyak ito nang iyak kaya’t ‘di ko na malaman kung ano ang aking gagawin. “Huwag ka nang umiyak, hindi naman ako galit. Nagulat na lang kasi ako bigla kang nangyakap kaya---” “Niyakap lang naman kita kasi sabi niya yakapin daw kita!” pawang batang tugon naman nito agad sa akin. At may tinuro pa ito sa tabi niya. Napakunot noo naman ako sa inaakto nito. “Saan? Sinong kausap mo? Wala naman akong nakikita,” malumanay na saad ko sa kaniya. Kumabog naman nang malakas ang dibdib ko nang dumako ang seryosong tingin nito sa akin. Nakakapanghina nang tuhod ang paraan ng titig nito. “Bakit ganiyan ka kung makatingin? May problema ba---” “Hindi mo ba siya nakikita? Ang mga matalim niyang mata na nakatitig sa’yo ngayon hindi mo ba iyan napapansin? Hindi mo ba nararamdaman ang presensya niya rito

