Chapter 30: Unti-unti kong minulat ang mata ko at pawang napakabigat nito ngunit pinilit ko itong binuklat at naulinanigan kong nakatulog pala ako. Sht! Agad ko namang tiningnan ang kabuuan ko, napahinga ako nang maluwag nang makita kong maayos ang damit ko. Kusa naman akong napahawak sa leeg ko nang biglang pumasok sa utak ko ang ginawa nitong pagsipsip at pagkagat nang mariin sa balat ko. Dali-dali kong hinanap ang salamin at nang makita ko ito ay nagmadali akong tingnan ang aking repleksyon. Napabuntong hininga naman ako nang malalim nang mapansin kong wala namang kahit na anong marka ang naiwan sa akin. Kung gayon totoong nananaginip ako. Awtomatiko akong napasabunot sa aking sarili. Ano bang nangyayari sa ‘kin at pati sa panaginip ay hinahayaan kong dumalaw ito. Kusa akong nap

