Nanginginig ang buong katawan ko nang maramdaman ko ang pagsunod nito. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Naghahanap ako nang maaaring taguan ngunit masyadong madilim ang paligid at pawang mas mapapahamak ako kung lumiko ako nang daan. Dire-diretso akong hinakbang ang paa ko nang mabilis at tumatakbo na ako sapagkat ramdam ko ang patuloy nitong pagsunod sa akin. At napapikit na lamang ako nang biglang humarang na ito sa dadaanan ko. “Layuan mo na ako! Kailan mo ba ako titigilan!” malakas na sigaw ko sa kaniya. Napahalakhak naman ito nang walang tigil kung kaya’t unti-unting napamulat ako sa aking mata. “Grabe ka naman kung makasigaw parang mapuputol na ang litid mo sa leeg pero ang ganda mo pa rin ha kahit na takot na takot ka na at namumutla na sa matinding kaba,” natatawang saad n

