Napahinga ako nang maluwag nang makita kong patapos na ang aking pinipinta. At ‘di ko inaasahan ang kahihinatnan nito. “Luna napakaganda naman niyan,” namamanghang saad naman ni Lourdes kung kaya’t napadako ang tingin ko sa kaniya. At kitang-kita naman sa mata nito ang labis na paghanga. Napangiti naman ako sa tinuran niya. “Salamat, ‘di ko nga akalain na ganiyan ang magiging outcome niyan,” nakangiting saad ko naman sa kaniya. “Hindi mo inakala na ganiyan magiging kaganda ang obra mo?” tanong niya at halata sa boses pa nito ang pagkabigla. “Tunay ka ngang painter Luna,” dagdag pa niya. Awtomatiko namang sumilay ang ngiti sa labi ko at lumipat na ang tingin ko sa nagawa kong painting. “Sigurado na magugustuhan iyan ni Senior Dallas dahil kitang-kita naman sa pagkakagawa mo sa pa

