“Binigyan kita ng trabaho rito hindi para lumandi kun’di para naman magkaroon ka ng pangalan sa larangan ng pagpipinta. Pero ano itong inaatupag mo? Talagang nagpapahatid ka pa talaga rito sa opisina. Ano iyon wala kang pamasahe? Malaki naman ang commission mo ha. Kahit nga nabubulok na ang mga pininta mo ay may binibigay pa ring sahod sa’yo,” mahabang litanya na ani Dallas sa akin. Halos ‘di naman maipinta ang mukha ko habang nagsasalita ito. At halos kumati ang dila kong sagutin ito. “I’m so disappointed with you Luna, akala ko pa naman katulad ka ng papa mo. Napakalayo ng personalidad mo sa kaniya. Kaya hindi talaga ako makapaniwala na ikaw ang anak niya,” dagdagbpa nito at tinapunan ako nito nang tingin na pawang pang-iinsulto. Humugot naman ako nang malalim na hininga bago nagsalit

