“Sht!” Napamura ako nang matindi sa aking isip nang bigla kong naidilat ang mata ko at naulinanigan kong nakatulog pala ako. At ang nasa panaginip ko ang demonyong lalaking iyon. The f**k! Ano bang nangyayari sa akin at iyon ang pumapasok sa isip ko at ang tagpo pa na nasa gano’n kaming sitwasyon o posisyon. Halos kaltukan ko ang sarili ko sa ginagawa ko. “Ano ba Luna? Nag-iisip ka ba nang tama sa tindi ng ginawa sa’yo no’n? Gumaganti ka nga lang sa mga halik at haplos niya, pati ba naman sa panaginip ay pinapayagan mo ang sarili mong maging alipin nito?” bulong ko sa aking sarili. Halos gusto kong suntukin ang pader para makaramdam man lang ako sa ginagawa kong kabaliwan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko pawang mismong sarili ko ang kalaban ko. At ang kahinaan ko ang tumatal

