Hindi mawari ni Luna dahil simula nang gabing iyon ay parang nagkaroon siya ng tiwala kay Dallas. Hindi niya maintindihan sapagkat pakiramdam niya ay magiging ligtas siya kung nasa tabi niya ang binata. At pawang hindi na siya nakakaramdam ng takot at pangamba sa sitwasyon na mayroon siya. Nakangiting minulat ni Luna ang kaniyang mata at halos maningkit ang mata niya sapagkat sumalubong sa kaniya ang matinding sikat ng araw. ''s**t! Umaga na pala!'' Mabilis siyang napabangon bigla at agad napatingin sa kaniyang tabi at napakunot-noo siya sapagkat wala na ito sa tabi niya. Agad naman siyang umalis sa kama at hinakbang niya ang kaniyang mga paa palabas ng kwarto. Pagkalabas na pagkalabas niya nang pinto ay agad na sumalubong sa kaniya ang mabangong amoy. Awtomatikong tumunog ang kani

