Someone’s POV: Nagmamadali akong kinuha ang baril na nakatago sa drawer ko’t hinanda ang sarili. Talagang hindi nito titigilan si Luna hangga’t hindi niya ito napapaslang. Sa tingin niya siguro ay hahayaan ko itong mangyari. Mahigpit kong hinawakan ang baril na hawak ko at agad na hinakbang ang mga paa ko palabas sa pintuan. “Pakawalan mo ako!” Narinig ko naman ang malakas na pagsigaw ni Luna sa loob ng banyo. Kinulong ko ito upang makapagtago at hindi ito mapahamak. “Hindi ako papayag na saktan ka ng kahit sino,” bulong ko at nagmadaling lumabas. Pagkalabas ko sa pintuan ng kwarto ko, bumungad sa akin ang napakatahimik na paligid hudyat na malapit lang ito at nanganganib ang kaligtasan ng babaeng pinakainiingatan ko. “Alam kong narito ka, dinig na dinig ng tainga ko ang malal

