Chapter 24: Mine

1504 Words

“Nilalayuan mo ba ako Luna?” seryosong tanong nito sa akin habang nakatingin ito nang diretso sa aking mata. Iniiwas ko naman ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko mawari kung bakit ‘di ko masalubong ang paraan ng titig nito. “Basti, gusto ko munang mapag-isa---” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla nitong hinawakan nang mahigpit ang wrist ko at tinapunan ako nito nang napakasamang tingin na pawang tumatagos sa kaibaturan ko. “Ano ba Basti! Bitawan mo ‘ko, nasasaktan ako!” malakas na singhal ko sa kaniya at pilit na inaalis ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa akin. Pakiramdam ko ay namumula na ang balat ko sa tindi ng paghawak nito. At kahit anong pagwaksi ko sa kamay nito ay hindi pa rin ito natinag at tila naging bingi ito sa pakiusap ko at sa bawat pagdaing ko ng sakit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD