Dahan-dahan akong naglalakad at iniingatang ihakbang ang mga paa ko upang ‘di lumikha nang kahit anong ingay. Kailangan kong makalabas dito nang hindi niya man lang nararamdaman o malalaman. Napatuon ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko mawari kung bakit kahit gusto kong maikasal dito ay tila ba may bumubulong sa isip ko na hindi ko dapat ituloy iyon. Isang matinong lalaki naman si Basti. Una pa lang ay talagang nasa tabi ko na ito at kahit kailan ay hindi ako nito pinabayaan. Mula nang tumira ako sa America ay siya lamang ang tanging pinagkatiwalaan ko. Siya lang ang naging kaibigan ko dahil nga sa traumang nangyari sa akin ay nahirapan na akong makisalamuha o makipag-usap man lang sa iba. Sa pagtitig ko sa kaniya ay biglang bumalik sa alaala ko kung paano kami unang nagkakilala. Walang

