“Ano? Narinig mo ba ang sinabi ko? I said you’re my wife and hindi ka na makakatakas,” walang emosyon na ani ni Dallas. Halos hindi naman makapaniwala si Luna sa tinuran ng binata at ‘di niya maatim na i-sink in sa utak niya ang sinambit nito. “Ano bang sinasabi mo? Puwede ba ‘wag mo akong pinagloloko. Paanong magiging asawa mo ako? Hindi naman tayo kinasal---” “Wala ka ba talagang naalala sa buong kaganapan kagabi? Bakit kasi ayaw mong i-detalye ko isa-isa ang lahat ng nangyari?” seryosong saad ni Dallas. Sunod-sunod namang napapailing si Luna at tila hindi na siya mapakali nang pumasok sa isip niya ang pinaka nakakagimbal na naganap. Bumalik sa alaala niya ang tagpo kung saan pinagsaluhan nila ang init na namamayani sa kanilang katawan ngunit agad siyang iniwan ni Dallas sa kalagitn

