At nang tumambad na kay Dallas ang hubad na katawan ni Luna ay ‘di niya mapigilan mapatitig sa perpektong hubog ng katawan ng dalaga. Halos ‘di niya maalis ang tingin niya rito at pawang matindi ang pag-uudyok sa kaniya na hawakan ito at pawang nasasabik siyang idulas sa balat nito ang dila niya. Ngunit nang magsalubong ang tingin nila ay pawang nagising ang binata. Kahit na nakita niya sa mata rin nito ang pagnanasa ay tila nagising siya sa katotohanan na hindi dapat humantong sila sa ganito. At bago pa mahuli ang lahat ay maiwasan na niya ang traydor niyang kalaban, ang pagnanasa. Mabilis siyang bumangon at agad naman iyong pinagtakahan ni Luna ngunit walang kahit na anong salitang lumabas sa bibig ng binata bagkos ay agad niyang pinulot ang nahulog na kumot at agad niya itong itinak

