Chapter 91

1094 Words

“Tama na iyan, lasing ka na,” saad ni Dallas at agad na nilayo ang bote ng alak na pilit inaabot ni Luna. Kitang-kita na sa mukha ng dalaga ang matinding kalasingan at tila wala na itong control sa kaniyang ginagawa. “Gusto ko pa uminom. Bakit ba ang hilig mo akong pagbawalan ha? Tatay ba kita? O asawa ba kita ha? Ano bang role mo sa buhay ko? Wala naman ‘di ba? Ay! Oo nga pala. Wala kang role sa buhay ko pero isa ka sa dahilan kung bakit nawalan ako ng karapatan na mabuhay ng normal! Kayo ang nag-control sa buhay na dapat ako ang may hawak pero dahil sa inyo! Ikaw! Hindi ako makahinga sa sarili kong mundo! Kinulong niyo ako!” malakas na sigaw ni Luna at sunod-sunod pa nitong pinagsusuntok sa dibdib ang binata. Mabilis namang sinalag ni Dallas ang bawat hampas ng kamay ni Luna sa kaniya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD