Nakatitig lamang si Luna sa kawalan. Iniisip niya nang maigi kung tama ba ang naging desisyon niya sa pagsama kay Dallas. Hindi niya mawari kung ito ba ang tamang solusyon sa problema niya. "Kung iniisip mong tumalon diyan para tumakas p'wes ikakamatay mo lang iyan. Inatake ka na lang ng mga pating hindi ka pa nakakarating sa dalampasigan,'' biglang saad ni Dallas. Nagitla naman si Luna dahil sa biglaang pagsulpot ng binata sa tabi kung kaya't agad na dumako ang tingin niya rito. "Saan tayo pupunta?" tanong niya. Sinalubong naman ni Dallas ang mga tingin niya at tila gusto ng umiwas ng tingin si Luna sa binata dahil sa tingin nito na pinupukol sa kaniya. Ang tingin nito na pawang nagpapahina sa loob niya. "Puwede ba huwag mo ako tingnan ng ganiyan?'' pawang naiiritang saad ni Luna.

