“Sasama ka na ba talaga sa akin?” tanong ni Dallas kay Luna at ang mga mata nito ay tila nangungusap at naghihintay sa maaaring isagot ng dalaga. “Kung hindi ba ako sumama, ano ang gagawin mo?” balik tanong naman ni Luna. Nagkibit-balikat naman si Dallas at magsasalita na sana ito nang biglang inunahan siya ni Luna na makapagsalita. “Papatayin mo ako hindi ba?” dugtong na saad pa ni Luna na agad-agad namang sinagot ni Dallas. “Of course not! Bakit ko naman gagawin iyon?” mabilis na sagot ng binata at bakas pa sa boses nito na ‘di siya sumasang-ayon sa sinambit ni Luna. “Bakit mo gagawin? Kailangan ko pa bang sagutin ang tanong mong iyan? Kung una pa lang, iyon na ang binabalak mo at ang plano mo at sasama ako sa’yo, hindi dahil sa pinagkakatiwalaan na kita. Para lang ito sa sarili ko.

