“Nasaan tayo?” biglang tanong ni Luna nang biglang huminto sa pagmamaneho si Dallas. Pawang wala namang narinig si Dallas sa tanong na iyon ni Luna sapagkat lumabas lang ito ng sasakyan. Dali-dali namang bumaba ng sasakyan si Luna at agad na sumalubong sa kaniyang mukha ang malakas na simoy ng hangin at nang libutin niya ang tingin sa paligid ay natanaw niya ang karagatan. Namangha siya sa ganda nito sapagkat sa maraming taon na lumipas ay ngayon lang siya ulit nakapunta sa ganitong lugar. Lugar kung saan walang maraming tao dahil namuhay siya sa mundong maraming nakapaligid sa kaniya dahil ang akala niya noon ay magiging ligtas siya. Ngunit hindi pala. “Napakalalim yata ang iniisip mo, mas malalim pa sa karagatan.” Agad namang natigilan si Luna nang biglang magsalita si Dallas kung k

