Hindi maintindihan ni Luna kung bakit tila magaan ang loob niya kay Dallas kahit na pilit na tumatakbo sa utak niya na mali siya na pagkatiwalaan ito sapagkat pawang isa rin ito sa dahilan kung bakit naging miserable ang buhay niya. Ngunit tila hindi niya mapasunod ang sarili niya sapagkat pakiramdam niya na ligtas siya sa piling nito na hindi niya manginuha kung bakit niya iyon nararamdaman. Nakatitig lamang siya sa binata habang abala ito sa pagmamaneho. Hindi niya maiwasang titigan ito sapagkat pawang nag-aanyaya ang presensya nito. Napakaguwapo nito sa kaniyang mga mata at tila hindi niya magawang alisin ang tingin niya rito. “Huwag mo naman ipahalatang namamangha ka sa itsurang taglay ko,” biglaang saad ni Dallas na naging dahilan upang mabalik sa katinuan si Luna at sunod-sunod

