EPISODE 57 RACHEL’S POINT OF VIEW. “Kung may mamamatay man sa ating dalawa ngayong gabi, ikaw iyon Rachel at hindi ako.” Mabilis kong kinuha ang baril na pagmamay-ari ni Jennifer at itinutok ito sa kaniya ngayon. Kitang-kita sa aking kamay ngayon ang panginginig pero ginagawa ko pa rin ang lahat upang maging matapang ngayon. Muli akong tumayo at tinignan ng masama si Jennifer. “B-Bakit buhay ka pa?” tanong ko sa kaniya. Kitang-kita sa dalawang mga mata ko na hindi na siya humihinga kanina, malakas din ang pagpukpok ko ng bato sa kaniyang ulo kaya napaka imposible na buhay pa siya sa lagay na iyon. Ngumisi sa akin si Jennifer at tumawa ng malakas. “Hindi ako mamamatay sa simpleng pag pukpok mo lang ng isang maliit na bato sa ulo ko, Rachel! Kung may mamamatay man ngayon dito, ikaw iy

