EPISODE 55 RACHEL’S POINT OF VIEW. Nandito pa rin ako sa isang masikip na kwarto at hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Nakagapos pa rin ang aking mga kamay habang nakaupo ako sa isang bangko. Hindi ko alam kung ilang araw na akong nandito pero isa lang ang alam ko ngayon, hinahanap na ako ng aking pamilya lalo na ang asawa kong si Louis. Habang hindi pa ako nahahanap ng asawa ko ay gagawa muna ako ng paraan para makatakas sa impyernong ito at sa baliw na si Jennifer. Habang nandito ako sa loob ng masikip na kwarto ay naghahanap ako ng bagay na pwede kong magamit upang maalis ang tali na nakagapos sa aking mga kamay. May nakita ako sa hindi kakaluyan na isang ballpen. Kahit na hirap ako ngayon dahil nakagapos ako habang nakaupo sa isang plastic na silya ay pinilit ko pa rin na makalap

