Kabanata 81 " L-Lola? T-Tita?" gulat na sabi ni Alena. " Teka,panong nandidito ka ei iniwan ka namin sa bahay kanina Alena?" takang tanong ng Mommy ni Peri. " ah,eh k-kasi po..." kandabulol na sagot niya. " Saimon? Ikaw nga! Dyoskong bata ka san ka ba nagsusuot! Pano ka napunta dito sa ospital? Ang sabi ni Peri nagpaiwan kana sa inyong tribu bakit ngayon bigla-bigla nandito ka sa ospital. Teka, may kapamilya din ba kayong pasyente dito?" tanong ng ina ni Peri. " Naku Tita, p-patawad po kung hindi agad kami nakabalik medyo marami lang po ang nangyari sa amin ng mga panahong iyon. " paliwanag ni Prinsipe Saimon dito. " Naku, okey na iyon hijo naipaliwanag na sa amin ni Peri ang lahat. Pero teka, bakit nandito ka pala Alena? Tinawagan ka ba ni Saimon pero napakabilis mo naman yata

