" Mahabaging langitttt, maligno!!" bulalas ng Ina ni Peri tsaka tumakbo sa isang sulok ng silid habang nagtititili. " Tita huminahon po kayo, hindi po sila maligno." paliwanag ni Alena ngunit napahiyaw siya ng biglang bumagsak ang kanyang Lola. " Mama! " " Lola!" panabay na sigaw nila ng kanyang tita Erlinda. Naging maagap si Prinsipe Saimon, agad nitong nabuhat ang kanyang Lola at naihiga sa isa pang bakanteng kama doon siya naman ay agad nagteleport sa mismong lugar kung nasaan ang doctor buti nalang hindi siya napansin ng ilang nurse na kausap ng doctor. Hindi na siya nakapag-isip pa basta ang nasa kanyang isipan ay mailigtas ang kanyang Lola natatakot siyang baka inatake ito sa puso dahil sa kababalaghang pinakita ng Haring Saithon. Nakaramdam tuloy siya ng pagkainis sa ha

