Kabanata 86

1616 Words

" A-Ako nga kamahalan, patawad sa aking nagawa ngunit hindi po ako ang may kasalanan ng lahat. Ang tanging kasalanan ko lamang ay ang pagtungo ko dito sa kaharian kahit na ako ay pinagbabawalan ninyo. N-Nais ko lamang namang masilayan kahit saglit ang aking a-anak." naluluhang pahayag nito. Hindi naman maintindihan ni Prinsipe Saifron ang mararamdaman ng mga sandaling iyon. Naikuyom niya ang kanyang kamao, hindi niya lubos maisip na magtatangka pa rin itong saktan ang mag-ina ng kanyang kapatid na Hari. Akala pa naman niya nagbago na ito pero nagkamali pala siya, ngunit isa pang nagpapabigat ng kanyang kalooban ay ang pagpataw ng parusa dito. Kahit pa pagbali-baliktarin ang mundo ito pa rin ang kanyang Ina. Ang babaeng nagluwal sa kanya, papano niya papatayin ang kanyang sariling Ina?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD