" Dyosko! A-Anak!" bulalas ng kanyang Mommy matapos mapanood ang nakaraan nila ni Alena. Inaasahan na niyang yayakapin ng kanyang mga magulang ang tunay na Alena, pero nasaktan pa rin siya ng masakasihan iyon. Hindi niya napigilan ang luha kaya naman tumalikod siya at lumabas muli ng bahay. Nagtungo siya sa ilalim ng puno ng manggang nasa may dulo ng likuran. Doon hinayaan niyang dumaloy ang masagana niyang luha. Kailangan niyang maiiyak lahat para naman sa mga susunod pa na sandali na makita niya ang kanyang pinakamamahal na magulang na magiliw sa tunay na anak ng mga ito less pain na iyon para sa kanya. Masakit isipin pero ganon talaga ei kailangang tanggapin. Kapag siguro nasanay na siya, babalik na rin siya sa mundong kinabibilangan niya para naman magampanan ang kanyang tungk

