"K-Kamahalan?!" bulalas ni Una ng makita sila. Si Uni naman noon na nakaupo sa sofa ay agad na napatayo at agad na yumukod sa kanyang harapan. " Kami nga Una, maraming salamat sa pag-aalaga mo sa pamilya ng Reyna ganon din sayo Uni. Kung nais nyo ng bumalik sa ating mundo, maaari nyo namang sabihin at kahit ngayon din ay ibabalik ko kayo sa mundo natin." pahayag niya sa mga ito. " N-Ngunit k-kamahalan, sila po ang aking tunay na pamilya at batid kong alam na ninyo ang lahat. Hindi ko po magagawang lisanin pang muli ang lugar na ito para lamang itago ang lahat sa mga magulang ko. Isa pa po wala na rin akong mapupuntahan sa mundo nyo dahil batid na rin ng aking pamilya doon na hindi ako ang tunay na Alice. " Ahm, h-hi A-Alena okey lang naman na magstay ka dito dahil ito ang tunay mong

