Naglaho ang ngiti ko sa labi nang makita si Nanay na nakaabang sa labas ng quarters. Nang magtama ang mga mata namin ay numipis ang kanyang labi. “M-Mano po, Nanay.” Pati ang aking mga kamay ay nanginig nang kinuha ang kamay nito. Wala namang sinabi si Nanay. Imbes, tinanguan lamang ako’t dumiretso sa loob. “Kakain na tayo, Rina. Maghanda na,” anito habang naglalakad. Tumango ako kahit na hindi naman ako nito nakikita. Habang naghahanda ay hindi ko naiiwasang hindi mapaisip. Kabisado ko na si Nanay. Hindi ito nagagalit ng pabalagbag. Kung may sasabihin siya sa akin, hindi ito ito nadidinig dahil mararamdaman ko muna. Sa bawat lagapak ng plato sa mesa, iyon lamang ang aking nadarama. “Upo na, hija. Ako na ang kukuha ng lomi.” anitong hindi ako tinititigan. Lumunok ak

