bc

The Ballerina

book_age16+
837
FOLLOW
3.1K
READ
possessive
contract marriage
playboy
arrogant
dominant
submissive
badboy
goodgirl
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

"You are my wife, and we are going to leave this goddamn place! Iyon ang plano-”

“Hindi nga iyon ang plano, Kai! Ayoko... na! Ayoko na!” Marahas kong pinahid ang mga luha.

“Ano ba, Rina? Ito ‘yung plano! Mahal kita! Pinakasalan kita! Mahal mo ako! Ano ba?” galit ang kaniyang boses ngunit kung hihimay-himayin ay galit ito ng pagkalito. Naiiyak akong lalo dahil ang sakit makita si Kai na walang kalaban-laban.

Makintab ang singsing, ngunit ang liwanag na naglalaro ay tila ba mga luhang nagmamakaawa rin. Na ilaban ko kahit baluktot. Na patuloy akong sumugal dahil sobrang laki na ng inutang ni Kai sa sarili para mapunta ako sa kaniya.

Pumikit akong mariin at ibinato ang singsing.

chap-preview
Free preview
Simula
“Rina, ako na r’yan! Pumasok ka na sa loob at maghanda na.”   Nilingon ko pabalik ang iba’t ibang klase ng mga prutas at gulay na nararapat pang anihin. Wala pa kasi sa kalahati ng kanilang pursyento ang aking na-ani at nailalagay sa kariton. Kung si Nanay Merida ang mag-aani ng mga ito, tiyak ay sasakit nanaman ang kanyang baywang at rarayumahin kinabukasan.   “Ako na ho, ‘Nay. Kaya ko na ho ito. Bibilisan ko na lang po.” Ngumiti ako’ng matamis dito, sabay naghakot na.   Nakadaop ang mga kamay ni Nanay Merida habang pinagmamasdan ako sa aking trabaho. Tuwing lilingunin ko siya ay ngumingiti ako ng matamis. Marami nang kulubot sa balat si Nanay, marami nang puti ang buhok at mahina na ang baywang. Matanda na kasi siya, ngunit matagal ko nang sinabi sa sarili na hindi ko siya pababayaan dahil siya na ang tumayong ama at ina ko.   “Tapos na, ‘Nay!” Pinahid ko ang namuong pawis sa noo nang matapos na.   Lumapit sa akin si Nanay Merida na may hawak na bimpo upang isapi iyon sa likod ko. “Sige na, Rina. Pumasok ka na sa loob. Maligo ka, magbihis ng maganda dahil mukha ka na ngang lupa ay amoy lupa ka pa.”   “Si Nanay talaga.” Napahagikgik ako.   Isang kaway ang binigay ko sa kanya bago tumakbo mula sa palayan papunta sa likod ng mansion kung saan naroon ang aming quarters. Naligo ako ng limang minutos at nagbihis ng dalawa. Matapos noon, nagpunta na ako sa tabi ng malaking gate ng mansion. Doon, dalawang mahabang hilera ng mga kasambahay, ranchero at ranchera ng mga Donofrio ang nakatayo. Pormado silang lahat at mukhang naghanda ng husto sa espesyal na araw na ito.   “Rina! Rina! Hihimatayin na ako!” Sinisiko ako ng kaibigan kong si Amaris. Hindi siya magkamayaw sa pangingisay dahil sa kilig! Ang laki-laki ng kanyang ngiti!   “Ako rin! Kuhanin niyo na po ako, kung sino mang santo ang narito. Mamamatay na ako kahit hindi ko pa nakikita si Sir!” sabi naman ng isa ko pang kaibigan, si Ava.   Halos lahat ng mga dalaginding sa hilera ay puros ganoon ang reaksyon. Ang iba ay may dala-dala pang salamin at suklay upang mag-retouch. Panay ang kanilang kisay at pagtitili. Hindi sila kumakalma sa bawat segundong dumarating.   Nginingitian ko na lamang sila.   “Sobrang gwapo ba, Rina? Gaano kakapal ang kilay? Ang biyak sa katawan? ‘Yung mata? Sabihin mo, Rina!” Kinukuyog na nila ako dahil ako ang mas nakakalapit kay Sir. Nalulukot na ang damit ko ngunit ayaw nila akong bitiwan.   Tumango naman ako at buong pusong binibigay sa kanila detalye ang hitsura ng bunsong Donofrio.   Sa kasawiang palad ay hindi ko kilala kung sino ang mga magulang ko. Ngunit sa biyaya ng diyos, binigay sa akin ang isang Nanay Merida. Sanggol raw’ng ako nang makita ni Monsieur Adonai sa malalalim na parte ng kakahuyan sa rancho. Agad niya akong kinuha at ipinag-alam sa kanyang mga trabahador, pati na rin sa kinauukulan. Isang taon akong iginigala sa pamahalaan, nagbabakasaling hinahanap din ako ng aking pinagmulan ngunit sawi ang kapalaran ko, nauwing ulilang lubos. Simula noon, dito na ako sa rancho ng mga Donofrio naninilbihan bilang ganti. At si Nanay Merida na ang aking pamilya.   Nang mga panahong nasa mansion pa ako nakatira ay doon ko nakilala ang tatlong lalaking saksesos ni Monsieur Adonai. Si Ibrahim, Judah at Malachi.   Limang taon ang agwat sa akin ng bunso, pito sa gitna at siyam sa panganay. Ngunit kahit ganoon, hindi nila ako nilalayo. Naging mabait at malaro sila sa akin. Lalo na si Señora Eunice. Pakiramdam ko noon ay nakabilang ako. Nakalimutan ko pansamantala na wala akong kinalakihang magulang dahil nariyan sila.   At sa kanilang lima, si Malachi o Sir Kai na ngayon, ang pinakamalapit sa akin.   “Talaga, Rina? Bakit ang swerte-swerte mo naman! Sana ampon na lang din ako para nakasama ko ang mga Donofrio!” sambit ni Genesis.   Dinig ko ang pagsang-ayon ng iba.   Nagkibit-balikat ako at ngumiti. “Depende rin, Genesis.”   “Bakit naman? Ang swerte nga!” aniya at muling sumang-ayon ang iba.   Hindi ko na sila kinibo, bagkus, ngumiti ng matamis. Hindi ko na sila tatalunin pa sa usapang swertihan, dahil swerte nga naman ako dahil sa malasakit ng pamilya ni Monsieur Adonai at Señora Eunice. Iyon nga lang, mas mapalad pa rin talaga sila dahil sariling kadugo ang nagpalaki, nag-aruga at nagmahal sa kanila. Hanggang ngayon, mga magulang pa rin ang kanilang kinabibilangan na puder.   Winasiwas ko sa isipan ang lahat ng negatibong bulong ng utak. Hindi dapat malungkot ngayon! Dapat ay nakangiti at masaya! Dahil sa loob ng labing-tatlong taong nasa US ang mga Donofrio, sa wakas ay uuwi na rin sila. Iyon nga lang, si Sir Kai ang mauuna. Iyon lamang ang alam namin at wala nang iba pa.   Naglalaro sa isipan ko kung tatawagin ko ba itong Malachi, Kai, Sir Kai - tulad ng lahat, o Kuya Kai - tulad ng nakasanayan dati. Ang tagal na panahon na rin naming hindi nagkita ngunit buhay na buhay siya sa utak ko. Sigurado akong maraming pagbabago sa kaniyang hitsura at tangkad, ang tikas at biyak sa katawan. Ngunit isa lang ang nang-aalanganin ako, kung ganoon pa rin ba ang trato niya sa akin tulad ng datu. Noong mga bata pa kami.   “Nasa bungad na si Señorito Kai! Magsitigil kayo!” Ang pagbabawal ng aming mayordomang si Madame Lourdes ang nagpabalik sa akin sa realidad.   “Nasa bungad na raw! Hihimatayin na talaga ako!” Siniko-siko akong muli ni Amaris, pati ni Ava sa kabilang gilid. Imbes na tumigil sila ay mas lalo pang nagkagulo at nataranta, lahat ng mga babae sa linya!   “Santisima, Rina! Magpapagahasa ako kay Sir Kai kapag nakita ko!” Nanlalaki ang mga mata ni Ava sa akin na tela mo nagko-kumbulsyon.   Humagikgik ako. “Hindi ka papatulan ni Sir Kai, Ava. Gusto niya ng maputi at makurba, morena ka at may kabilugan.”   Napanganga ito sa deklarasyon ko at mabilis na kinunutan ako ng noo. Nilabas ko ang dila ko sa kanya, sabay hagikgik. Panay asaran at kisay. At sa sobrang pagkukulitan naming lahat, ang paglangitngit ng malaking gate ang siyang hudyat ng pagtigil ng aming kilos at bunganga.   Mabilis kaming nag-ayos ulit ng linya sa pagbabawal ni Madame Lourdes. Sa gilid ng aking mga mata ay nagre-retouch na ang iba at panay ang suklay ng buhok.   May tatlong pintuang kotse ang huminto sa malaking gate na kasama pang busina. Lumabas kaagad ang driver upang kuhanin ang mga gamit sa compartment, habang nagpunta si Kuya Abel sa ikalawang pinto ng kotse upang buksan ito.   Tumapak ang kanyang makintab na sapatos sa trimmed at yellow green na d**o. Tumaas ang kanyang isang hita upang makaalis sa pagkakaupo at makalabas. Dalawang pagpag sa kamay ang kanyang ginawa bago maluwalhating nagmartsa patungo sa mansion.   Bawat trabahador na kanyang nadaraanan ay may, “Maganda umaga, Señorito Kai!” At may kasama pang pagyuko. Bahagya ang kanyang tangong ibinibigay.     Ibang-iba si Kuya Kai noon, sa Sir Kai na nagmamartsa ngayon. Ibang-iba. Umuusok, kung umuusok. At malakas kung malakas ang dating. Dagundong ang munting sungit sa kanyang mga mata.   “Rina...” bulong ni Ava nang malapit na si Sir sa amin.   Bumabagal ang mundo nang pagmasdan ko ang papalapit niyang pigura. Natutulala akong bahagya dahil hindi pa rin makapaniwala. Panay ang kanyang tango sa amin, at minsan, sasagutin ang mga bati. Pansin ko ang tattoo niya sa batok nang dumaan sa pwesto ko.   “S-Sir Kai...” nanginginig kong bati.   Isang tango ang kanyang binigay sa akin habang naglalakad. Tapos ay ibinaling na ang tingin sa iba, at sila naman ang binigyan ng atensyon.   “Ang gwapo, ang macho, ang sungit!” iyak ni Amaris sa gilid ko.   “Hindi ko na kaya ang kakisigan niya, umuusok, Rina!” segunda ni Ava at nagdrama ang mukha.   Umangat ang isang sulok ng labi ko, ngunit agad ding nawala. Hindi na niya ako naaalala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook