Sa murang edad, nakaya na ni Cristina Cajucom na gampanan ang mga malulupit na paratang ng mundo sa isang tulad niyang walang malay na anak sa labas. Batang nabuo sa kasinungalingan, sigalot sa pamilya, walang patutunguhan ang buhay, bastarda – alam ‘yan lahat ni Chrissy at hindi niya limot kung saan siya lulugar.
Chrissy just wanted a home, not a large house. Little Chrissy just wanted love and affection from her parents, whose families are both strict and powerful. She’s the living disgrace to the two family, at sino siya para sirain ito? She got rejected and passed on. And so, she learned. Tinuruan niya ang sarili na tumayo sa sariling mga paa, to be independent and away from those people who hurt her.
Nang pumasok sa eksena ang lalaking nag-ayos at nagpatibok muli ng kaniyang puso, doon na lumabo ang lahat. This dangerous man made her beg on her bended knees for his unparalleled love and attention. He made her weak again.
Huli na ang lahat nang maalala ni Chrissy na tinalikuran na nga pala niya ang paghingi ng pagmamahal sa kahit na sino. Dahil sa pagmamahal, nabulag ulit siya. Nasaktan ng sobra. Niloko at ginamit. Dinurog at binasag.
Maybe, because from the very start, she’s bound for this painful life. Chrissy will never, ever be the pristine girl she had dreamed to be.
"You are my wife, and we are going to leave this goddamn place! Iyon ang plano-”
“Hindi nga iyon ang plano, Kai! Ayoko... na! Ayoko na!” Marahas kong pinahid ang mga luha.
“Ano ba, Rina? Ito ‘yung plano! Mahal kita! Pinakasalan kita! Mahal mo ako! Ano ba?” galit ang kaniyang boses ngunit kung hihimay-himayin ay galit ito ng pagkalito. Naiiyak akong lalo dahil ang sakit makita si Kai na walang kalaban-laban.
Makintab ang singsing, ngunit ang liwanag na naglalaro ay tila ba mga luhang nagmamakaawa rin. Na ilaban ko kahit baluktot. Na patuloy akong sumugal dahil sobrang laki na ng inutang ni Kai sa sarili para mapunta ako sa kaniya.
Pumikit akong mariin at ibinato ang singsing.
“'Tangina, Justice! 'Tangina talaga. So, what? You expect me to be the same? Gusto mo, ako pa din ang dati? Pagkatapos mong iwan sakin ang anak mo na parang nagdeposito ka sa bangko? And you f*****g left without notice! You f*****g expect me to be the same now? After four years, Justice! Apat na taon. Ako lang ang nagsikap kay Justine kasi wala kang kwenta! You did not hear her cries! Did you?! You did not see how she’s close to death because her father couldn’t even make her tears go away! You did not f*****g see how she craves her mother every f*****g night! Wala kang nakita kasi ikaw naman ang nangiwan! Now you tell me… tell me Justice, how can I ever be the same?”
Umalingaw-ngaw ang mga iyak ko sa gabi, hindi dahil sa sigaw ni Ish ngunit dahil sa katotohanan. It’s the bitter truth. Akala ko okay na ngunit hindi pa din nawawala ang naipong galit sa akin ng lalaking minsang minahal ko. His eyes are raging. Ngunit sa kanyang pag-amin ay nakakita ako ng isang segundong sikreto. He let me in his dark sides for just this time and it hurts like hell. Napapunas ako ng luha ngunit wala itong silbi. Ang sakit-sakit pa din sa dibdib at hindi ako makahinga.
This is what I get for reclaiming my daughter but I deserve this. Kasi tama siya. Ako ang mali. Ako ang walang kwenta. Ako ang nang-iwan.