bc

The Pristine

book_age18+
6.0K
FOLLOW
27.6K
READ
drama
tragedy
sweet
humorous
like
intro-logo
Blurb

Sa murang edad, nakaya na ni Cristina Cajucom na gampanan ang mga malulupit na paratang ng mundo sa isang tulad niyang walang malay na anak sa labas. Batang nabuo sa kasinungalingan, sigalot sa pamilya, walang patutunguhan ang buhay, bastarda – alam ‘yan lahat ni Chrissy at hindi niya limot kung saan siya lulugar.

Chrissy just wanted a home, not a large house. Little Chrissy just wanted love and affection from her parents, whose families are both strict and powerful. She’s the living disgrace to the two family, at sino siya para sirain ito? She got rejected and passed on. And so, she learned. Tinuruan niya ang sarili na tumayo sa sariling mga paa, to be independent and away from those people who hurt her.

Nang pumasok sa eksena ang lalaking nag-ayos at nagpatibok muli ng kaniyang puso, doon na lumabo ang lahat. This dangerous man made her beg on her bended knees for his unparalleled love and attention. He made her weak again.

Huli na ang lahat nang maalala ni Chrissy na tinalikuran na nga pala niya ang paghingi ng pagmamahal sa kahit na sino. Dahil sa pagmamahal, nabulag ulit siya. Nasaktan ng sobra. Niloko at ginamit. Dinurog at binasag.

Maybe, because from the very start, she’s bound for this painful life. Chrissy will never, ever be the pristine girl she had dreamed to be.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue "Beef sukiyaki and rock salt coffee..." Yumukod akong bahagya habang inilalagay ang orders ng customer sa table na nakadestino sa akin. Kinawit ko sa tenga ang nakalas na buhok. Bumalik na ako sa counter ng bistro at napapasulyap sa pamilyar na mga ginto at pilak ng matandang kaka-serve-an ko lang. Magkano kaya ang tip ko d'yan? Maingay ang bistro. Lalo na ngayong Biyernes. Payday pa at maraming nagsasaya. Nakakakita na ako ng mga nag-aamok gamit ang mga gintong nakasabit sa katawan nila. May iilang pamilya, ngunit mas marami ang mga pa sosyal na naglalasing. "Ang yaman niyang sa'yo, Cristina," ani Mirna sa akin. Dumukdok siya sa counter atsaka pinagmasdan din ang matandang puros ginto. Nagkibit-balikat ako. "Malay mo kaunti lang 'yung tip ko..." Ang tip ang mahalaga. Minsan, barya at minsan ay wala pa. Matagal na ako dito sa bistro at sa tanan ng pagiging waitress ko, two hundred pesos pa lamang ang pinakamataas kong tip. "Malaki 'yan! Sayawan mo." Nakakapanginig ang halakhak ni Mirna. "Tapos bar tayo d'yan sa tabi. Sabihin mo sa'kin, ha." Napailing na lang ako sa kasamahan ko. Mahigpit na ipinagbabawal ni Joel ang pagsasayaw sa bistro dahil nga sa bistro ito at hindi beerhouse lamang. Pero syempre, sa dami ng oportunidad at sa kasikatan nitong bistro ay may patagong gumagawa ng madaliang kwarta. Madalas sa loob ng cr. Alin sa mga iyon ay hindi ko pa ginagawa at wala naman akong planong gawin. "Bye, Chrissy!" Pinilantik ni Mirna ang mga daliri dahil may customer na sa kanyang table. Nagis-sway ang kanyang pang-upo habang unat na unat ang likod kaya depina lalo ang malaking pang-harap. Binalik ko na ang tingin sa nag-iisang matanda na naroon. Busy ito sa cellphone at mukhang hindi ginagalaw ang pagkain. Bumuntomg hininga ako atsaka inasikaso naman ang bagong dating na customer na isang buong pamilya. Dumaloy ang oras sa bistro. Katulad ng mga usual na Friday ay nananakit talaga ang mga braso at paa ko. May uniporme kami pero hindi heels. Kahit ganoon ay masakit pa rin sa paa dahil labas-masok sa kitchen, paikot-ikot sa counter at tables. "Ano, tara mamaya?" Ngumisi si Mirna sa mga tip kong binibilang. Naka-three hundred ako sa buong gabi ngunit tingin ko ay madadagdagan pa dahil ang matandang kanina ko pa minamatyagan ay hindi pa rin umaalis! "Kaunti lang ito, e. Sa isang linggo na lang," sabi kong napapakamot sa ulo. Si Mirna ay mas matanda sa akin ng limang taon kaya naman mas alam niya ang bagay-bagay. Sabay lang kami nang matanggap sa bistro at mga isang linggo bago ko siya naging kaibigan. Siya lang naman ang kaibigan ko rito dahil madalas ang iringan sa mga babaeng waitress. Bata pa si Mirna, single at sexy. Matulis ang mata at ang labi ay parang parating ngingisi. Mapagkakatiwalaan ito huwag nga lang idadamay ang marka ng pera. "Sa isang linggo nanaman, Cristina? Ayaw mo lang, e!" Umikot bilang tampo ang kanyang mga matang bihag ng madidilim ngunit nakakapukaw na eyeshadow. "Hindi naman kasi ako umiinom..." Sumandal ako sa counter at tinagilid ang ulo. Nadidinig ko sa kitchen ang mga tawanan ng mga kasama naming punong-puno ng crab mentality. "Subukan mo! Bad influence, ano? Joke," halakhak ni Mirna. Pinitik niya ang daliri hudyat na tapos na ang usapan at mag-isa na lang siyang gigimik o magyaya ng mga kaibigan pang iba. Hinarap kong muli ang papaunting tao sa bistro dahil limang minutos na lamang ay magsasarado na kami. Iilang ilaw ng mga mumurahing chandelier ay patay na at sina Japeth at Ivan na janitor namin ay nagmo-mop na. Tumaas ang kilay ko nang makitang naroon pa rin ang matandang mula kanina ay hindi binibitiwan ang telepono kahit na nanlalamig na ang in-order na mga pagkain. Sumilay ang iritasyon sa may katandaang mukha ngunit ebidente ang mayamang buhay dahil sa pagka-mestizo. Panay ang dutdot niya sa phone at iling din. Tumayo ito bigla at saka naglagay ng isang gintong papel bago umalis sa bistro. Kinaumagahan, nagluluto na akong almusal. Hindi tulad kahapon na isang matamlay na itlog, Spam ang ulam ko saka may pan at coffee pang kasama dahil sa malaking tip ng matanda kagabi. Pasayaw-sayaw ako habang nagpe-prepare na rin ng baon ko mamaya sa university. Maingay kaagad sa classroom kahit na kulob ng aircon. Sa dulo ako naupo dahil doon ang kalimitang bakante. Swerte na lang dahil wala pa naman ang instructor namin. "Hi, Chrissy!" Pulang-pula ang labi ni Lucy nang makita ko siya. Bagay na bagay sa morenang kutis. "Hello!" Ngumiti ako sabay kinawit ng buhok sa tenga. "Late ka nanaman, ah," utas niya sabay tingin-tingin sa maingay na paligid. Nagkibit-balikat ako. Tumango lamang siya atsaka binunot ang cellphone gaya ng ibang kong mga kaklase. Ngumingiti ako sa ibang mga kakilala tapos ay kumakanta na lamang sa isip pampalipas oras. Dumating na rin naman ang instructor. Nag-lecture lang kami ng mahaba ngunit ang ibang nasa likod ay tulog dahil pipicturan na lang nila ang lecture saka ipapa-print. Gusto ko rin sana dahil inaantok ako gawa ng maraming tao sa bistro kahapon, kaso malabo naman ang camera ng second hand cellphone ko. Matapos naming mag-lecture ay napag-usapan ang nalalapit na Lantern Festival. "Ilang colleges ang andito?" Inayos ng trainor ang kanyang salamin. Pabaling-baling ang ballpen ko habang nakikinig. "Pito, sir!" Muli ay in-adjust nito ang salamin at saka tumango. Nakikipaghuntahan siya sa amin tungkol sa mga disgrasyang malimit mangyari kapag Lantern Parade. Nakangisi ito at tinanong kung sino ang muse sa aming mga departamento. "Ako, sir, sa Agriculture!" Sumigaw ang isang bading kaya naman humalakhak si Mr. San Juan. Humalakhak si Lucy sa tabi ko atsaka sumigaw, "Si Miss Cajucom po sa Nursing!" Pinagtinginan ako ng aking mga ka-block at ka-department dahil sa deklarasyon ni Lucy. Sinipat ako ng instructor. Nanlaki ang mga mata ko habang umaakyat ang dugo sa aking pisngi! "H-hindi po! Lucy!" Hinarap ko si Lucy nang tagilid ang labi ko. Ngumisi siya sa akin. Nagbulungan na ang mga mukhang kilalang kong mga ka- block ko habang karamihan ng lalaki ay sumisipol. Nalukot ang mukha ko. Hindi ako ang muse! Wala akong planong mag-muse! "Maganda ka naman! Pwede ka talagang lumaban ng kahit na simpleng pageant lang kung sinasabi mong working student ka?" katwiran ni Lucy habang naglalakad na kami papunta sa sakayan ng jeep. Humuhuni ang mga matataas na puno ng university. "Kahit na sumali ako ng Miss Universe ay sira na ang araw ko sa Monday. Ang dami pa namang magaganda sa department namin, ang daming mas maganda at mas maputi!" sabi kong umaasim pa rin ang mukha. Hindi basta-bastang pera ang tuition sa university lalo na sa mga unit ng course na kinuha ko na gusto ko naman. Nagpapadala naman sa akin ang kuya ko at ang tatay ko pero naiipon silang lahat sa bangko. Kapag hindi ko na kaya ay saka lamang ako kukuha ng karampot. Hindi ko pera 'yon. Pera nila iyon at pakiramdam ko ay hindi na nga lang ako nakasira ng pangalan ay naging pabigat pa'ko. "Oh, sige na! Bye! Ingat!" Kumaway si Lucy nang makababa na siya sa jeep. Ang kanyang katangkaran ay sapat para siya ang maging muse. Bale si Lucy ang kaibigan ko sa araw at si Mirna sa gabi na parehong maraming alam sa buhay. Ngunit parehong mapusok, mataksil at madahilan. Nang makauwi sa apartment ay namahinga akong kaunti bago naligo ay hinintay ang oras ng aking shift sa bistro. Napatitig ako salamin at nakita ang kutis na namana ko sa ina kong nabibilang sa daliri kung ilang beses kong nakita. Itim na itim ang buhok at pilikmata ko na tumitingkad sa porselanang balat. Kahit ayaw nilang ibigay sa akin ang halong latin at purong dugo ng inang bayan ay nagpapasalamat pa rin naman ako kahit papaano. "Hindi ako santo. Pero para sa'yo, ako'y magbabago..." Bumungad kaagad sa akin ang stage na hinihimlayan ng isang magaling na bokalista. Maraming kaagad ang taong nakita ko nang nasa likod na ako ng counter. "Aba, ayusin mo 'yang tabas ng dila mo! Kabago-bago mo rito tapos bintangera ka na? Ang kapal naman ng mukha mo," nangaggalaiting sigaw ni Mirna sa loob ng kitchen. Muling nawala ang kanyang sigaw nang sumarado ang pinto at madidinig kong muli ang pakikipagaway sa bagong dating kapag may lalabas o papasok na cart doon. Nangalumbaba ako. Kaya ni Mirna iyon. Nang kalagitnaan ng gabi ay punuan nanaman ngunit may isang pwestong naka-reserve. Pinanuod ko ang pamilyar na mukha ng matanda nang siya ay naupo roon. Narito nanaman siya? May tip ulit sana akong limang daan! Yes! "Menu po," ngising-ngisi ako nang iabot ang isang menu. "Ah, thank you." Tumango ang matanda atsaka kinuha ang menu. Ngayon ay pang dalawa na ang kanyang in-order. May kasama ito? Nilagay ko sa window ang order at saka humilig sa counter. Nang may pumasok na mukhang magda-date at umupo sa table ko ay nagpunta ako kaagad doon. Dinig ko ang bell ng bistro hudyat na may bagong dating. "Good evening po! Ito ang menu..." Hinugot ko ang menu at nilagay para sa kanilang magsyota. Habang naghihintay ay napasulyap ako sa matangkad na lalaking bagong dating. Walang indikasyon sa kanyang mga mata kung masaya ba ito o galit. Hmm. Nahanap nito kaagad ang table ng matandang na siyang nilunanan. "Ito, miss. Saka 'yung specialty ng bistro," utas ng babaeng customer. Tumango ako saka ngumiti. Pabalik ako ng counter at nasulyapan kung papaano tumango ang matangkad na lalaki sa matanda ngunit ang mga mata ay may marka na ng inis. Inipit ko ang papel sa window atsaka sumigaw sa mga cook namin ng 'specialty raw!'. Saktong dumating ang order ng matandang lalaki at iyon ang dala ko sa braso habang papunta sa kanilang table. "I heard it from Tita Kyna. Wala ba tayong magagawa?" Nilapag ko ang kanilang orders nang may kaunting pakilala. Natitigan ko ang mamahaling relo na nakayakap sa pulsuhan ng lalaki at sa palasing-singan ay isang simpleng pilak na singsing. Namangha ako nang makita ito ngunit mabilis ding iniwas ang tingin. "We could fabricate it, hijo. That's the closest I could pull. Hindi ka ba nag-aalala kay Eunice?" Wala akong paglalagyan ng soup at ang tanging nakikita kong espasyo ay ang pinaglalagyan ng komportable niyang malaking braso. Kinakabahang nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang kulog sa kanyang mga mata. Napakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa hiya. Hindi ko masabing ialis niya ang kaniyang matigas na braso! "Mia madre. Mama will never know. Atin lang 'to." Sing banyaga ng kanyang sinabi ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Sa aking palagay ay nalulusaw na ako. Nang ako'y tumikhim ay tinaasan niya ako ng kilay habang dahan-dahang inalis ang kamay. Sinilaban kaagad ang aking pisngi kaya naman bilang dipense ay kinunot ko ang noo. "I trust you on this, attorney..." Naningkit ang kanyang mga mata habang pasulyap-sulyap sa akin na nilalagay ang kanilang soup. "Well, then. May flight pa ako mamaya. Tell Malacchi I said 'hi' kapag nasa hacienda na kayo." Yumukod akong kaunti atsaka bumalik nang counter. Nakita ko si Mirna roon at kinawit ang buhok sa tenga. Mainit ang singaw sa aking pisngi. "Kahapon pa 'yan, ah," aniyang nakasulyap sa nagkakamayang mga lalaki tapos ay tumayo na. Humilig ako sa counter at kinagat muli ang labi, "oo nga..." "Ang pogi! Anak niya?" "Ewan," kibit-balikat ko. Nangalumbaba ako at tumagilid ang ulo. Humugot ng isang kulay asul na papel ang matangkad na lalaki atsaka nilapag sa table. Sumulyap siyang muli sa akin bago diniretso ang dalawang pintuan ng bistro. Nalaglag ang aking panga at nanlaki ang aking mga mata! Isang libo!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
49.9K
bc

Just Another Bitch in Love

read
39.4K
bc

Dangerously In Love

read
44.3K
bc

An Innocent Angel

read
178.0K
bc

A Writer's Block (TAGALOG)

read
50.8K
bc

Rebellious Love (Tagalog/Filipino)

read
163.2K
bc

OSCAR

read
248.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook