Heaven POV, Nagpaparty si Moises sa bahay, gusto niya akong ipakilala sa mga kaibigan at mga kaklase niya. Nagpa catering lang ito para daw wala ng huhugasin at hindi mahirapan si Yaya edith, kahit kunti lang naman ang inimbita niya. Sunod-sunod na nga dumating ang mga kaibigan ni Moises at halatang anak sa mayayaman ang mga ito. Kaya nakaramdam tuloy ako nang hiya parang nawalan ako ng self-confidence nang makita kung gaano kaganda at kayaman ang mga bisitang babae ni Moises. Kaya nasa kuwarto lang ako sinamahan ko si Cloud, nahihiya akong bumaba at makita ng mga kaibigan ni Moises. Nang may marinig akong kumatok sa labas ng room, binuksan ko naman agad iyun. Nabuhayan ako ng loob nang makita ko si Vivian. "Hoy, bakit nandito lang kayo ni pamangkin huh?" bungad na tanong sakin ni Vi

