Heaven POV, Sabay naming kinausap ni Moises si papa. Na magpapakasal kami sa susunod na dalawang buwan. Kailangan muna namin ihanda ang kailanganin sa kasal. "Sigurado na ba kayo sa disesyon niyong pagpapakasal?" Tanung ni papa. "Opo tito, gustong-gusto ko na po pakasalan si Heaven at maging legal ko ng asawa," Agad namang sabat ni Moises. "Gusto ko lang siguraduhin, dahil ang pag aasawa ay hindi biro, kailangan niyo laging intindihin at mahalin ang isa't-isa para tumibay ang pagsasama niyo. Kung magpapakasal lang kayo dahil sa may anak kayo at walang pagmamahal sa inyo wag niyo na ituloy ang plano niyo," seryosong saad ni papa. "Hindi po tito, mahal ko po si Heaven, hindi ako magpapakasal sa kanya dahil lang sa may anak kami, kundi mahal ko talaga siya at gusto kong tuluyan ko na siy

