Her Point of View
-
-
-
"Ouch!" hiyaw ko habang hinahaplos ang aking pwet. Ang sakit! It felt so painful than having a broken relationship.
Ganito po kasi yan mga bes. . .
Nanaginip lang naman ako na hinahabol ako ng aso tapos kahit anong gawin kong takbo kahit pinakamabilis na takbo eh nahahabol parin ako ng aso kaya ayon napasipa ako and for that shallow reason, dahil dun nahulog ako .
"Tae naman kasi ehy! Grrrr…" Nagmumukha na akong asong galit dito. Habang dahan-dahang tumatayo mula sa maginaw na sahig na kinabagsakan ko. Wala man lang sumalo.
'Teka anong oras na ba?' I unconsciously asked myself as I slowly guiding my eyes to find the thing I wanted to see right now.
Tumingin ako sa alarm clock ko and "ARGH!! BWESIT!!!" malakas kong sigaw nang makita ang oras. Parang timang lang sa umaga. Kaunting kabobohan at katangahan pero keri lang.
"Ba't di ka tumunog ikaw'ng alarm clock ka huh!?" wika ko habang inis na pinukpok ang alarm clock sa study table ko.
I’m 10 minutes late na kasi at dahil ito sa di maasahang alarm clock na 'to. Di man lang nagbigay ng babala na oras na pala kung kaya't tama lang na sirain ko na 'to at nang matuto.
Mabilis akong napabalikwas ng takbo kahit masakit pa ang likod ko, para ngang kasing bilis ako ng kidlat kumilos. I went to the comfort room para maligo. Kinuskos ko lang ang dapat kuskusin at sinabon ang mga parte na kailangang sabunin and after that natapos na rin akong maligo.
Matapos kong gawin ang daily routines ko, nagmoment muna ako with my food sa mesa at masaya itong nginunguya.
I may not have a lot of time pero kumain pa rin ako. Mahirap nang magkasakit sa panahon ngayon. Lalo na't wala pang mag-aalaga sa akin. I'm now an orphan and living with myself and only self is kind of hard. Kaya kain nalang. Parang kumakain lang ako pero nagdadrama. Naku!
Mabilis akong lumakad paalis ng bahay para pumunta na sa school. Pumara na ako ng masasakyan and luckily agad rin naman akong nakasakay.
Time check, I am 20 minutes late na. Buti nalang at pang 2 hours ang subject namin ngayon. After a couple of minutes, andito na ako sa room ko.
Mabilis akong pumasok at nang makapasok na ako, isang matalas na tingin ang binigay sa akin mula sa guro namin ngayon.
'Patay!' I whispered to the air.
"Maam I have a valid explanation po" I said while putting my hands into my pocket.
"Go ahead and explain everything kung bakit ka late, Miss Lee!" Maam said na halatang may kaunting galit sa kanyang boses. I sighed deeply.
"Ahhm! Sumakit po kasi yung likod ko maam pati tiyan tapos po yung p***t ko kaya naman po maam ang nangyari matagal akong nakabangon at hinintay ko muna na humupa yung sakit" pagpapaliwanag ko kanya while confidently looking forward towards her. Parang ang galing ko yatang magpalusot ngayon. Pero yeah, tama naman 'yun. Sana lang effective.
Natawa naman yung mga kaklase ko dun sa explanation ko but they went into silence when our teacher told them to shut their mouth and remain silent.
'Tsk! May nakakatawa ba dun?' tanong ko naman sa aking sarili. Tama lang na pinatahimik kayo ni ma'am HAHA.
"Okay! Be sitted!" wika niya na ikinagalak naman ng aking kalooban. Sana all.
Nagpatuloy na si maam sa pagdiscuss habang ako naman ay umupo na at nakikinig sa lesson niya.
The school bell rang. It's a sign that our class is already ended thus mabilis akong napatayo dahil alam kong kainan na rin namin.
"Class, dismiss!" sumilaw ang aking mga mata matapos marinig iyon kay ma'am. Sarap sa ears.
Agad akong pumunta sa Cafeteria upang kumain dahil nagugutom na ang mga dragon ko sa tiyan. 'Wag na kayung magtaka, matakaw po talaga ako.
Habang naglalakad ako patungong cafeteria ay biglang may humablot ng buhok ko sa direksiyong pinanggalingan ko.
"Aray!" sigaw ko dahil sa sakit. Walang hiyang 'to may balak yata na kalbuhin ako.
"Ingay mo b***h! Just shut up !" Mary said while giving me a dirty stare.
"Kayo na naman? Pwede ba tantanan niyo na ako?!" lakas loob kong sigaw sa kanila. May diin at galit dahil baka maging effective at tantanan na talaga nila ako.
"Hey you Miss Allison Lee, baka nakalimutan mo na bawal mo kaming sagot-sagutin ng ganyan o baka naman gusto mo na talagang sabunutan kita ulit para maalala mo?" Mary said while showing me off her hands with a colorful long nails.
"Wala na ba talaga kayung ibang magawa huh? Kung wala na nga talaga umutot nalang kayo tapos sabay-sabay niyo nalang hulihin utot niyo!" matapang kong sagot kahit na kinakabahan na ako.
"Aba't talagang sinusubukan mo ako huh! Trix!? Shey?!"tawag ni Mary sa mga alipores niya. "Itali siya sa puno!" utos niya dito. Para naman talaga itong mga utusan niya kay dagli nila akong tinali sa puno.
"Yan bagay sayo b***h!" sabay sampal ulit sa akin ni Mary. "Ano masakit ba?" dagdag niya pa nang sampalin na naman niya ako.
Hindi ako sumagot.
Napaubo nalang ako at napasuka ng dugo nang sabay suntukin ni Shey at Trix yung tiyan ko. Ang sakit, langya!
"You look so good in vomiting blood" Trix said while giving me a nasty smile.
"Want more?" dagdag naman ni Shey. They're really such a bully. ‘Di sila nababagay sa school na 'to promise!
"Wtf! Ano bang ginawa ko sa inyo huh? Alam niyo bang gutom na gutom na ako tapos heto kayo't nang-aapi?! Wala na ba talaga kayong awa sa mga taong inaapi niyu?" malakas kong sigaw sa kanila. Halos inipon ko na lahat ng boses ko dun sa sigaw na 'yon.
"Wala kahit katiting man lang," Mary replied at sinabunutan ako. Napaiyak nalang ako sa sakit.
Nanghihina na talaga ako. Una, dahil sa gutom at pangalawa dahil sa walang sawa nilang pagbugbog sa akin.
Napapikit nalang ako dahil sa parang namanhid na yata yung katawan ko at ayaw na gumana ng sistema ko.
Napaubo naman ako ulit at napasuka ng dugo. Sinuntok ulit ako ni Shey sa tiyan ko. Sinampal naman ako ni Mary habang sinipa naman ako ni Trix sa tagiliran ko.
'Ito na ba ang katapusan ko?'
Habang nakapikit ako ay unti-unti akong nakaramdam ng init sa aking kalooban. Para bang may malakas na enerhiya ang gustong kumawala mula sa aking katawan.
Napasigaw ako sa sakit at dahil din sa init na nagmumula sa loob ng aking katawan. It feels like something inside me is going to explode.
Maya maya pa ay unti unti kong nararamdaman na parang lumulutang na ako sa ere, humangin ng malakas at biglang kumulog ng malakas sabay kumidlat.
Napatingin ako sa langit at nakikita ko ang unti-unting pagbabago nito. Mula sa kulay asul ay nagiging itim ang kalangitan.
Yumanig ang lupa na naging dahilan para mapadapa sina Mary, Trix, at Shey.
-
-
*Third Person's POV*
-
-
Bumuhos ang napakalakas na ulan.
'Takot'
Takot ang namumuo sa mata ng tatlong dalaga na umaapi kay Allison. Takot rin ang namutawi ngayon sa kanilang kalooban.
Ilang sandali pa ay nakatihaya na sa lupa sina Mary, Trix,at Shey. Wala na silang malay.
Biglang bumagsak si Allison at ang kaninang pagbabago sa paligid ay nawala na. Habang sa kabilang banda naman. . .
Takot at pagtataka ang naramdaman ng ibang studyante dahil sa pagdilim ng langit, pagkulog,pagkidlat at pagyanig ng lupa.
-
-
Allison’s Point Of View
-
-
"Argh sakit ng ulo ko at ng katawan ko," wika ko habang inistretch ang aking katawan.
Teka nasaan pala ako? Puro puti ang nandito! Teka nasa heaven naba ako? Papa GOD, gusto ko pa pong mabuhay.
"Oh gising kana pala Miss Allison Lee," wika ng isang guro. Kilala ko siya, siya si Principal Ge.
Hala! Ba't andito ang principal? Naku! I smell something not so good. Seems like, it's a trouble. Iba talaga pakiramdam ko dito parang trouble talaga 'to.
"Ahmf Principal Ge, kasi po an..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad siyang nagsalita.
"Don't worry dear," pagpapakalma niya. "I don’t need your explanation. I know that biktima ka lang ng grupo nila Mary pero I need to expel you all." wika niya na nagpalungkot sa akin.
"Bakit po maam?" I asked.
"Ang nangyari kaninang pangbubully sayo ay di na dapat mangyari pa kaya naman mabuti pa ang alisin nalang kayo dito. What happened earlier isn’t a good example to other students. And to further end the gossiping between student’s about what happened, I decided to expel you all. Sana maintindihan mo ang point ko."
"Okay po maam." wika ko nalang at napayuko.
"I'm so sorry. . ." dagdag niya pa. ‘Wag nalang kayung magsalita ma'am para di na ako masaktan, pwede? Joke!
Pero to think that expelled na ako really made me felt so sad. 'Expelled na ako!' pag-uulit ko sa aking sarili.
Saan na ako mag-aaral niyan? Pero teka ano palang nangyari kanina? Hindi ko yata maalala. 'Yun ba ang dahilan kaya ako na expelled?
"Argh!" hiyaw ko nang sumakit ang aking ulo. Better not think of it. Wala talaga akong maalala kaya it's useless!