Allison’s Point Of View
-
-
Ayhsss! Hindi na pala ako nakapagpakilala sa inyo, anyways, I'm Allison Lee, 17 and grade 11 student of Sapphire Academy pero expelled na ako kaya heto ako ngayon sa daan naglalakad pauwi.
Wala na kasing saysay pa kung mananatili ako roon ehy expelled na nga ako dun.
Habang naglalakad ako ay biglang may naramdaman akong parang may sumusunod sa akin. Tumingin ako sa likod ko pero wala naman, kung kaya't nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
Ayssss!
Guni-guni ko lang siguro ‘yon. Matulin lang akong naglalakad. Lakad pakanan at lakad pakaliwa. When I heard a cracking sound of a dried branch of a tree na natapakan. . .
Mabilis akong napalingon sa likod ko and yeah, hindi ako nagkakamali may sumusunod nga sa akin and guess who?
Well, sila lang naman ang mga boyfriends ng tatlong umapi sa akin kanina. Kayahhh!!
Patay si ako ngayon!!
"Ganyan na ba ako kaganda para sundan niyo akong tatlo papauwi?" Tapang-tapangan kong wika kahit sa kaloob-looban ko ay natatakot na ako.
"Tsk! Akala mo hindi namin alam ang ginawa mo sa girlfriends namin?" Mary's boyfriend said in a loud scary tone.
"Tsk! Ako nga ang inapi nila eh tapos ako pa ngayon ang masama?" sagot ko naman na may pataas kilay effect pa.
"Then, kung ikaw ang inapi paanong nahimatay sila at hanggang ngayon hindi pa sila gumigising?" Trix's boyfriend replied with a scary voice as well.
"Aba ewan! Akala ko ba alam niyo?" Pamilosopo kong sagot at nakangiti pa nang loko.
"Loko ka ahhh! Sige pre! Let's get rid of her! Siguraduhin lang natin na wala tayong iiwan na bangkay niyan dito para hindi tayo sasabit!" Shey's boyfriend commanded his friends.
Nashocked naman ako dahil sa winika niya. Wahhhhh!! Meghed!!!
Im dead!!!
Tumakbo na sila papalapit sa akin at ako naman tumakbo rin papalayo sa kanila. Mahal ko pa buhay ko nuh?!
Wala ako sa aking sarili habang tumatakbo dahil narin sa kaba at takot na kapag nahuli nila ako. They must not catch me or else I'm dead. Baka nga hindi na ako paglalamayan at uod na ang kakatay sa akin.
No! no!
Ayokong isipin ‘yon makakatakas ako. Think Positive!
Sa sobrang bilis ko sa pagtakbo, di ko namalayang may kung ano na pala sa dinadaanan ko kaya naman ako na si tanga nadapa pa!
"Ouch!" I screamed in pain.
"Aray!" rinig ko ring boses mula sa kung saan.
Palingon-lingon naman ako para hanapin ang boses na 'yon pero wala akong makita.
"Hey you?"
Napatalon ako ng marinig ko ulit ang boses dahil narin siguro sa kaba. Who is it? Palingon-lingon ulit ako sa paligid pero wala parin akong makita.
"I'm here! Hey?!" rinig ko ulit na tawag nito.
This time I knew it! Galing ito sa damuhan.
Mabilis kong pinuntahan ang damuhan. Pagdating ko , isang itlog ang aking nakita.
"Sino ba ‘yong taong iyon? Bwesit nag-iwan pa ng itlog" saad ko sa sarili
"Ako ‘yon!" rinig ko mula sa itlog
Napatalon ako sa gulat ng marinig kong nagsasalita ang itlog
"Susmaryosep!" saad ko at aktong pinapalo ang ulo ko
Nanaginip lang ako ... Gising na!!
"Di ka nananaginip!" wika ni itlog.
"Wahhhhh! Totoo nga!!" sigaw ko.
"Hoy! Huwag kang maingay! Baka marinig ka ng mga humahabol sa ‘yo..." sabi niya.
Ayyy oo nga pala may humahabol pala sa akin.
Napatago nalang ako bigla sa puno.
Hays! Buti nalang hindi nila ako nahuli kung hindi, rest in peace Allison Lee na talaga ako.
Pero teka, nasaan pala ako?
"Huy itlog? Nasaan pala ako?" tanong ko kay itlog.
"Huwag mo akong tawaging itlog dahil may pangalan ako. Just call me Lex or Alexa." Napatango naman ako na parang timang lang dahil kausap ang isang itlog.
"Okay, pero nasaan nga ako?" tanong ko na tila ba may malaking question mark sa ulo.
"Andito ka ngayon sa Green Forest!" sagot niya.
"Green Forest? Ano yun? Kulay green na kagubatan?" I said, confused at akmang tumatawa tawa ng mahina
"Nope! Eto yung entrance ng Magical World. Which means ordinary persons can't enter here. Pero, bakit ikaw? Well, I guess you're not ordinary so what's your magic?" she said, Lex.
"Are you kidding me? Tsk! Stop fooling around! Anong magic? Haha It doesn't exist!" hindi makapaniwala kong turan. Joker kaya itong itlog na ‘to?
"I’m not fooling around.. Magic really exist in Magical World" Saglit naman akong napa-isip sa sinabi niya. What if totoo nga?
"Nagpapatawa ka naman eh?" pag-iinsist ko.
"Sino ba ang mukhang nakakatawa sa atin? Ikaw na nakikipag-usap sa itlog o ako na nagsasabi ng totoo?"
Aysss!
Ouh na!! Ako na ang nakakatawa!
"Pero kung totoo nga sila, ipakita mo nga sila sa akin?" hamon ko sa kanya.
"Kung nakikita mo iyang papel na nasa gilid ng kahoy sa iyong harapan maari ko silang ipakita sayo" she said.
Agad akong tumingin sa kahoy na sinasabi niya.
And there may nakita nga aking papel.
Kinuha ko eto at binasa.
-
-
Registration Form
Sky Academy
Name:
Age:
Guardian:
Fill up the form if you are interested in our academy.
Note: This Academy is where you belong!
-
-
‘Yan ang nakalagay sa papel. . .
"Haysss!! Paano ko to fi-fill up-an kung wala akong pen, Lex?" tanong ko sa kanya.
Nahulog kasi ‘yong bag ko kanina habang tutakbo kaya ayon bye-bye pen ko
"Don't worry Allison. Just wait for a few second," saad niya and after a few seconds biglang umilaw ang papel. Wow!
"Say your name, age and your guardian," rinig ko mula sa papel.
Cool! Manghang saad ko sa sarili. Pero, wow ha kung makapag-utos wagas. Ikaw ba nagpapakain sa akin? Lol!
"Allison Lee, 17 , Unknown"
Eh sa wala akong gaurdian eh.
"Welcome to Sky Academy,” saad nung papel at umilaw ito nang sobrang nakakasilaw, kaya naman napikit nalang ako.
Pagbukas ko sa aking mga mata isang malaking gate ang sumalubong sa akin. This gate looks so cool. Ang laki nito at kulay ginto.
Pero teka. . .
Hala!?? Nasaan na si Lex?
Mabilis akong napalingon-lingon sa paligid pero hindi ko makita ang itlog na kanina lang ay kausap ko. Naiwan kaya?
"Lex, where are you?" sigaw ko.
"Lex?" sigaw ko ulit.
"I'm here Allison," rinig kong sagot niya mula sa ulo ko.
"Haysss"
I sighed in relief.
Akala ko nawala na kita.
Kukunin ko na sana siya sa ulo ko nang bigla itong lumipad.
Wait...
What????
Napatingin ako sa lumilipad and I saw a fairy. A fairy. . . Cool!
"Lex, ikaw ba yan?" mangha kong tanong.
"Yes master Allison" sagot niya.
"Woah!" I said, amazed.
"Tara na pasok na tayo,” turan niya.
"But how?" I asked.
"Do as I say!" Now, what to do?
"Okay!" tanging nasabi ko nalang.
"Lift your right hand high, and say OPEN SESAME!" she said.
Sinunod ko naman siya. Parang tanga nga talaga.
Itinaas ko ang kanang kamay ko and loudly uttered,
“OPEN SESAME!”
And just after I said those words, biglang bumukas ang napakalaking gate. Napakatanga ng password. Mabilis ma-hack!
"Let's go?” wika ni Lex.
"Let's go!" I agreed.