Nasa private island kami na pag aari ng aking ama dito sa batangas upang magbakasyon kasama ang aking mga anak. Tatlo ang naging anak namin ni Gaia ang panganay na si phoenix, ang pangalawa na si Hades at ang pangatlo na si Atheena. Kasalukuyan silang gumagawa ng sandcastle sa tabi ng dagat, masayang masaya silang tingnan sa kanilang ginagawa, napatitig ako sa aking Asawa, napaka ganda nitong tingnan habang tumatawa. "Basain natin ng kaunting tubig ang sand" Masaya niyang sabi sa tatlong bata. tinuturuan niya ito kung paano titigas ang sand upang maka tayo ng haligi ng castle, masaya naman nilang sinunod ang turo ni Gaia, sa sampung taong pag sasama namin ay wala na itong ginawa kundi ang alagaan at mahalin kaming mag aama. Naalala ko noong mga panahong Nawala si Aries, lugmok ako nung m

