Gaia's P.O.V. "Maam? ang ganda nyo po" Manghang sabi sa akin ng baklang nag memakebup sa akin, ngumiti ako dito, isinuot ko ang aking wedding gown at tiningnan ang sarili sa salamin, ngumiti ako, kahit ako ay nagagandahan sa aking sarili. Hindi ako makapaniwala na ikakasal na kami ni Coke. natatandaan ko noong nag proposed ito sa akin noong nakaraang taon isang buwan maatapos akong manganak sa anak kong si Phoenix, una ay hindi ako makapaniwalang nagpopropose ito at parang nanigas ako sa aking kinatatayuan, halos hindi ako makasagot noon dahil sa pagkabigla, tinanguan ko lang siya, napaiyak pa ako nang isinuot sa akin ang engagement ring isa iyong 40 carat diamond ring. Sinusuri ko ang aking sarili sa salamin nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang aking makulit na anak na si Phoeni

