Gaia's P.O.V. Kasalukuyan kaming nasa hacienda Montalban dito sa probinsya ng Aurora kung saan nakatira ang lolo at lola ni Cole kasama ang mga kapatid at pinsan nito. Naka upo kami sa veranda ng bahay ng lolo at lola ni Cole nang mag aya ang mga kapatid at pinsan nito na bumisita sa niyogan at kukuha na din ng buko. sumama kaming dalawa ni Cole. Nang dumating kami sa niyogan ay wala ang mga tauhan nila doon dahil nasa manggahan umano ang mga ito upang mag spray ng pesticide. "Ano ba yan, gusto ko nang uminum ng buko juice" Reklamo ni Eros. "Edi ikaw ang umakyat" pilosopong sabi ni Leander kay Eros "Talagang ako ang aakyat" Sagot ni Eros dito, kinuha nito ang itak na naka sabit sa gilid ng puno ng niyog at itinali ito sa kanyang baywang. Nagsimula nang umakyat si Eros sa puno ng ni

