"Ano? Busog ka na?" Nakataas ang kilay ko habang tinitignan siya sa huling plato.
"Alam mo, kung hindi lang malayo ang Beau, ito ang pupuntahan ko lagi para sa seafood," he shared to me.
Napailing ako sa sinabi niya. I don't care about his thoughts, but I cannot contradict what he shared. Totoo na mas iba ang lasa ng pagkain dito lalo na ang seafood.
Puno ang kada-restaurant at lagi kaming saglit na pumipila para sa table. No wonder kahit na marami akong gusto gawin ay talagang napapapayag ako ni Javier.
"Grabe, ang liit kasi ng katawan mo... Kakain pa sana ako," sabi nito sakin sabay ngiti.
Suot ni Javier ang isang white shirt na pinatungan lang ng checked polo at jeans. Mukha akong tomboy manamit talaga dahil sakanya.
"Pwede bang umayos ka ng damit? Hindi ba sinabihan kita na dapat gawin mag-dress ka naman."
"That will be uncomfortable," depensa niya sa sarili.
Isinukbit ko ang bag sa balikat at tinignan ang bungisngis nitong mukha. May dumi pa sa gilid ng labi. Ang baboy talaga!
Gigil na kinuha ko ang tissue sa gilid at ako na ang nagpunas sa mukha niya.
Tumayo ako para abutin ang labi nito.
"You never really tried to act like a lady 'no? Kahit sa harapan ko?" I asked him while I am seriously wiping his dirty face.
Hindi ko naman magawang magalit, because once again, we are trying to act the life that we never had. Javier is just a bad actor. Iyon na lang ang iisipin ko.
Napansin kong nakatulala lang ang lalaki sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit?"
Bigla itong napatayo ng agaran, tulala. Parang aligaga. Nilingon ko ang paligid kung saan siya tulala, pero wala naman akong nakita.
I assumed for a second na nakita niya ang matanda.
He shook his head. "Wala... Ang pogi ko pala pag-seryoso?"
I sighed in disbelief. Akala ko ay may nakita siyang kakaiba!
"Mukha kang bukol," I told him at itinapon ang tissue sa gilid. "Pay for the bills. Kaya mo naman mag-isa." Iniabot ko sakanya ang sariling wallet at umalis na sa restaurant.
Nilanghap ko ang hangin. Maghahapon na. I wonder where hotel can we stay?
The view, air, and nice sky is really refreshing...
"Kuya..."
May babaeng lumapit sakin. It was the waitress earlier. Iyong nagpapapansin sakin.
"Kuya? I am your customer earlier. Shouldn't you be calling me sir?" Mataray na tanong ko dito.
The girl was obviously shock to my statement. Mukhang hindi niya inaasahan na sasagutin ko siya ng ganon.
Obviously, kung hindi ako nasa katawan ni Javier ay papatusin niya ito. Pero sa totoo lang, baka business matters naman talaga ang habol sakin ng babaeng ito.
The girl was flustered. Hindi niya alam ang gagawin.
"Is there a problem?" I asked her para matapos na.
"Celes— oh... Hello..." unti-unting napangiti si Celestial.
Sumimangot ako at hinila ang beywang ni Javier.
"Bilisan mo. Nagmamadali kami ng girlfriend ko," I told the waitress.
Nag-panic ang mukha ng babae at tila nagising sa relayidad.
"W-Wala po sir! Mali po pala ang natawag ko," dahilan nito at tarantang umalis.
Naramdaman ko ang pag-akbay ni Javier sa gilid ko sabay iling.
"Grabe ka babe, selosa ka talaga," aniya.
Natulala ako sa sinabi nito bago siya itulak palayo sakin.
"Tantanan mo nga ako!" I shook my head in disbelief.
"So what now?"
Kanina pa ako may naisip na ideya. Pero hindi ko alam kung saan o paano sisimulan.
"Let's find that old woman... by sketching her first? And then ask people around here if they so someone like that?"
Kumunot ang noo nito. "That sounds impossible. Kanino tayo magpapa-drawing?" He asked.
"Iyon na nga ang problema..."
"Ipa-blotter natin?"
Gusto ko siyang sampigain sa sinabi niya.
"Pwede ba 'yon?" May halong gigil na sinabi ko, pero umasa na rin ako sa sinabi niya.
"Hindi, malamang. Missing ba ang hinahanap natin? Magnanakaw ba?" Sarkastikong tanong nito sakin.
Yeah... His idea was absurd.
Natulala ako sa mga magkapamilya na napipicture taking. They are all laughing and smiling too.
Dati ay ganyan din kami. I am so thankful to my memory... na tanda ko pa rin ang magandang ngiti ng aking ama..
"Hey. Do you want to take a picture too? Kung gusto mo," he asked me.
Umiling ako sakanya. "Ayoko."
"Tsk! Halika na!"
Nagulat ako noong basta na lang niya hilahin.
"Halika na dito!"
"Javier, ayoko nga!" Tanggi ko dito.
Umiling siya sakin. "Nandito naman tayo, then let's take a picture!"
"I don't need a picture here..." Mahinang sabi ko sakanya. "If you saw me spacing out to the family, you got it all wrong! I am... just appreciating them." Dahilan ko.
Bakit nga ba ako natutulala sa ganitong senaryo? Siguro ay kinakaawaan na ako ng mokong na 'to.
"Tsk!" Umiling ito. "Ito na, tignan mo 'to!"
Nilabas na niya ang telepono. There, he smiled on the camera. Habang ako naman ay naglabas ng pilit na ngiti.
"Javier!" Suway ko dito because he is clicking aggressively. "Dahan-dahan naman sa pag-click!"
He just chuckled. "Kahit anong anggulo pogi ang mukha ko!"
"Mommy! Ang ganda ng painting sakin ni kuya manong! Balik tayo doon ha?!"
I overheard the girl's statement. Nagtatakang sinundan ko ito ng tingin at tinignan ang painting na hawak niya.
"Javier..." tawag ko dito.
"Hmm?" Nakatingin ito sakin, may ngiti pa rin sa labi.
"How about a painting?"
Kumunot ang noo niya. "Painting? Anong painting?"
"Painting..." Kumbinsi ko pa. "May dumaan sa harapan ko at may bitbit na painting. Someone who can draw or do art! Siguro naman ay pwede na lang natin i-describe ang matanda sakanya, hindi ba?" I asked him.
Sunod-sunod itong napatango. "You are right! We can do that!"
Tama...
"Let's hurry, Javier. Magtanong na tayo sa street vendors siguro kung saan ang pintor dito. We can ask him to paint tapos..."
"Yes, yes." Parang aligaga din ito. "Goddamn, kinakabahan ako bigla sa galing mo."
Napalingon ako dito. Kagat niya ang labi at kita ko ang sigla sa mata niya. I guess, he got excited.
"Ha?"
"Ang galing mo talaga, ka-in love..."