39. Lost

2028 Words
Pareho kaming natigilan sa sinabi ko. Halata ang gulat sa mata niya pero ang ngiti nito ay hindi natanggal. It was just there. I felt my cheek burned because of his words. Siya ay mukhang kalmado lang habang ako naman ay hindi alam ang magiging reaskyon! Hayop na lalaki 'to! Kung ano-ano ang sinasabi!? "Come again?" Tanong ko sakanya. In love? "Wala... Bingi," insult nito sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Napaamang ang labi ko. I wanted to ask for more—pero it was just... too uncomfortable for me. Pakiramdam ko ay ako ang nakakahiya kahit siya naman ang may sinabi! "Tara na doon sa sinasabi mo." Iginaya niya ako palakad. Nauna ito, habang hila naman niya ang kamay ko. I stared on our hands. Nakaka-in love huh... Bakit ayaw niya ulitin? Kasi totoo? Oh my god! I should stop thinking about something like this! "Hello po, may alam kayong nagp-painting dito?" He asked on the street vendors. Habang ako, ito! May hang over pa sa kagaguhan na sinabi niya! This is so unfair. He can make my heart like this. Tapos siya ay nakakalagpas lang na parang wala. Akala mo ay walang sinabi. Nagtanong ito sa iba pang vendor. Hindi nagtagal ay nakarating kami kung saan tinuturo. Napangiwi ako noong may sampu atang tao ang nakapila. "Ang daming tao... Mahirap mag-drawing," he said. Hinila ko ang kamay niya para mapunta sakin ang tingin nito. "It's just a sketch... Sketch lang ang sa'tin. Okay?" He licked his lips. "Oo.. Pero paano kung matagal ang sakanila?" Hindi ko na alam kung ano idedepensa ko sa sinabi niya. Oo nga naman. Paano kung sila ang matagal? Alas-singko na pero nasa pilahan pa rin kami ni Javier. "Sabi ko sayo," aniya. "Pangatlo na tayo sa pila pero mukhang hanggang mamaya pa tayo dito." He is so right! "Let's just wait. This is better than nothing. Okay?" He sighed. Para itong bata na nakayuko habang naglalaro ng lupa. "Javier, how did you ace the test?" Simula ko para hindi mabagot ang lalaki. Nagkibit balikat ito. "Sinabi ko naman sa'yo hindi ba? Nag-aaral nga ako..." I nod my head. Tinignan ko ang nagd-drawing sa harapan. Meron lang siyang stand at sketch pad. Meron ding painting materials pero kita ko dito ang sign na 'NO PAINT'. Buti naman! Kasi kung painting ay malalagot kami sa tagal! Baka nga ma-cut off na kami! "Bakit? Sa tingin mo nandaya ako?" He asked me. May eyes widened. "Nandaya ka?" "Ayon ba ang iniisip mo?" "No! Hindi iyon ang iniisip ko!" Iling ko dito. I started to panic at lumuhod din sa lupa. "Wag mo sabihing nandaya ka? We studied enough kaya walang rason para mandaya!" Sabi ko sa lalaki. He just shook his head. Hindi siya sumasagot sakin. I gritted my teeth. Gusto ko siyang batukan ngayon kung nagpapakaba lang siya. But... I really didn't think that he will cheat! Isa pa, laging logic at statement ang isasagot doon so paano siya mandaraya? "Hindi... joke lang," ngiti niya. "Bwisit ka!" I hissed on him. Muntik na akong mamatay sa kaba! "Anyway! Malapit na tayo. Let's describe the old lady well. Okay?" "Yes ma'am!" He nod his head. This is it. "Wala akong painting. Sketch lang ang gagawin ko," sabi noong matanda na nakaupo sa high chair niya. The old man is just wearing a lose maong with paint stains and white shirt. Ang apron nito ay maraming pinta na nagkalat. His silver her made me think that he is excellent in this field because ito na ang kinatandaan niyang propesyon. "Hello po!" Javier greeted. "May ipapa-drawing po sana kami.." "Sino sainyo?" He started to sharp his pencil. Umiling kaming dalawa ni Javier. "Hindi po kami... I just wanted a gift to my lola..." "Lola niyo? May picture kayo?" Tanong nito. Hindi ko alam kung masungit ba talaga ito or ganon lang talaga siya? Napakamot ng ulo si Javier. "Lo... Wala po kaming picture—" "Eh paano 'yon?" Aniya sa tono na parang tinatanggihan na niya kami. Nagsalubong ang kilay nito sabay umiling. "Ano Lo... Ide-describe na lang po namin sainyo?" Then Javier awkwardly laugh. Umubo ang matanda. "Mahirap ang gusto niyo—" "Pero artist po kayo. Sigurado po ako na kaya niyo." Matigas na hatol ko sa matanda. Pinadilatan ako ni Javier. Wala akong pakialam sakanya. I just wanted to get the picture. Ang haba ng pinila namin and hindi ako papayag na wala kaming makukuha pagkatapos nito. Halatang hindi nagustuhan ng matanda ang tono ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Pero hindi ko 'yan kaya," dahan-dahan na aniya. Madiin. "Kaya niyo po 'yan," sabi ko dito. "Babayaran po namin kayo ng tama para sa drawing. Tsaka dahil po sa hirap na gagawin niyo. We will describe her clearly." Naningkit ang mata nito. "Magkano ang ibabayad niyo?" Nagkatinginan kami ni Javier. Buti naman ay pumayag! Isang oras ata kami nagtatalo doon sa harap ng matandang nag-ddrawing. Javier and I tried our best to avoid fighting in front of the old man. Mukhang wala kasing pasensya si manong. At first, I thought it will be impossible dahil nag-aaway talaga kami ni Javier. Ngunit habang tumatagal ay nagkaroon na ng mukha ang dino-drawing! The old man rip the paper. Habang si Javier ay naglabas ng pera. "Tiga rito ba kayo?" Tanong noong matanda at tumayo. Umiling si Javier. "Nagbabakasyon po." "Edi hindi niyo kapamilya si Merida," he pointed out. Napaamang ang labi ko. I stared on Javier. Nakita ko rin ang gulat sa mata nito. Oh god! Ibig sabihin ay may nakakakilala na!? Merida?! The hope ignite on me. My heart is thumping so fast. "N-Nasaan po siya?" "Sino kayo at anong kailangan niyo sa taong patay na?" Masungit na tanong nito sa'min. Patay... na? My mouth fell open. Nagkatinginan kami ni Javier and... we are both so confuse for what is happening. Anong nangyayari? Bakit biglang ganito? Kakahanap pa lang namin... pero? "That's impossible..." Umiling ito. "Umalis na kayong dalawa." Nagulat ako nong pinunit niya ang papel! Iyong drawing! "Manong!" Sigaw ni Javier. Paanong patay na? But she was in front of us about last month! Hindi pwedeng patay na! Hindi pwedeng wala na! Paano ako!? Paano kaming dalawa ni Javier!? "Cut off na ako," the old man announced to his helper. Mabilis kong hinawakan ang braso noong matanda. I can feel my tears on my eyes. Pero wala akong pakialam kung sino ang makakakita ng pag-iyak ko. Paanong patay na ang taong hinahanap namin? "Iba po ang hinahanap namin. Baka nagkakamali po kayo," madiin na tanggi ko sa sinabi niya. "Hindi po pwedeng patay na ang matandang 'yan. Iba po ang hinahanap namin!" Tumaas ang boses ko sa gigil. "Celes— Javier!" Suway ni Javier sakin. Hindi ko napansin na dinidiin ko na pala ang hawak ko. "Sir..." Iyong kasama noong matanda ang sumuway sakin. "Bitawan mo siya." Sabi noong babae. Umiling ang matanda—parang sinasabi na hayaan kaming dalawa na magtuos. "Kamukha lang ba ni Merida?" Iling nito. "Umalis na kayo at wala kayong mapapala dito—" Pinandilatan ko ng mata ang matanda. "Paanong wala? Kilala niyo po ba si Merida ng personal?" Hamon ko dito. Hindi nagsalita ang matanda. Wala pa ring ekspresyon ang mukha niya. "Kung kilala niyo, sana may ideya kayo kung ano ang kayang gawin noong matanda na 'yon?" I asked him in disbelief. "That man... Ang kaluluwa ng lalaking 'to... ay nasa katawan ko. Tapos... sasabihin niyo sakin na patay na?" Natatawang sabi ko dito. Nagulat ang matanda sa sinabi ko at sa wakas ay tumingin ng diretso sakin. Tumulo ang luha sa mata ko. I feel so frustrated right now! "Celeste..." Tawag ni Javier. "Hindi mo ba alam na dahil kay Merida, nandito kami sa buhay na hindi amin?" I started intently on the old man's eyes. Nakita ko ang takot, kaba, gulo, at aligaga sa itsura nito., Naririnig ko na ang bulungan ng ilan. Iyong iba ay gusto na ako hawakan dahil 'sinasaktan' ko ang matanda. "Hijo! Matanda lang 'yan! Pakawalan mo!" Sigaw noong lalaki. Naramdaman ko ang paghawak sakin ni Javier. "Stop that... Masasapak ka talaga ngayon dito ng buong grupo..." Napatingin ako sa tinutukoy nito. Saglit akong napailing at binitawan na ang braso ng matanda. "Kung may alam kayo, sabihin niyo naman. Huwag... huwag niyo naman po kami iwan sa ere," sabi ko dito. Tahimik lang ang matanda. Tapos maya-maya ay napailing. "Sumunod kayo sakin," aniya bago kami talikuran. Napailing ako habang si Javier naman ay niyakap ang braso ko. "Hush... It will be alright," aniya. "How can be this alright, Javier?" Nagtatakang tanong ko sakanya. "Everything is blurry, Javier. Pakiramdam ko ay wala na... wala na." Umiling ang lalaki. "Hindi pa tapos 'to, Celeste... Hindi pa. So calm down. Who knows? That man will lead us to another clue?" Tinignan ko si Javier. He is so determined, while I feel so lost. How I wish... I could handle his situation the same as him. Nakarating kami bahay noong matanda. Simpleng bunggalow lang ang bahay nito at maraming pintura. Pero nakita ko ang painting noong Merida sa gitna ng silid. Ano niya si Merida? Asawa? "Did my wife cursed you?" Tinanong niya agad kaming dalawa pagkaupo na pagkaupo pa lang. "She died last week. Nabangga siya ng kotse." Nagkatinginan kami ni Javier. Our eyes are obviously asking each other how we can do this now kung wala ang taong sumumpa sa'min? "Then how can we lift her curse?" Si Javier. "Hindi naman kami habang buhay dito, ano?" "Wala ba kayong natatandaan na ginawa niyo noong araw na nilapitan kayo ng asawa ko?" Tanong niya sakin. "Wala..." I shook my head. "Nag-away lang naman po kami noong araw na 'yon. Tapos sa pagkakatanda ko, naingayan po siya sa'min..." He nod his head on us. "Wala ba kayong ginawa sakanya?" "Did this old woman really did this on us kasi naingayan siya sa'min?" Maanghang na tanong ko sa matanda. Hinawakan ni Javier ang balikat ko para tumigil sa pagsasalita. But he can't do anything right now about it! Nasabi ko na ang hinaing ko! Mabilis itong umiling sa'min. "Hindi iyon. Hindi ganon ang asawa ko. Alam niya ang ginagawa niya. May rason—" Marahas akong napatayo. "Kung ano man ang rason na 'yon, then it's unreasonable! We? Exchange souls? Hindi niyo po ba alam na parang napakahirap nito sa'ming dalawa?" "Celes—" "Tapos iyong taong gumawa, patay na? Mahimbing na?" Natatawang umiling ako. "My life... is so important to me. So his life! Pare-parehong importante sa'tin ang sariling buhay... So why... did she do this?!" Nakayuko lang ang matanda. Kaya mas lalo akong nagalit. "Wala po ba kayong alam na paraan?" "Celestial..." Suway na naman ni Javier. "Pasensya na hija. Pero wala akong alam sa ginagawa ng asawa ko," he sighed. Nag-angat ito ng tingin. "Pero sigurado akong may gusto siyang gawin sainyo... tapos ay kailangan niyong tapusin iyon para makabalik kayo sa dati." That is... a vague answer! How can we possibly start with that? Padabog akong lumabas ng bahay dahil wala naman pala kaming mapapala. Naramdaman ko ang pagsunod ni Javier sakin. "You need to calm down, Celestial—" "Calm down?!" Sigaw ko dito. "Paano ako kakalma Javier?! Our problem cannot be solve!" Naiiyak na sinabi ko sakanya. Hinawakan nito ang braso ko at inilingan. His eyes were calm. Parang alam niya ang sagot. He is too optimistic for this! All my life, I thought I hated my life—pero ngayon ay gustong-gusto ko na makabalik. Ngayon ay na-realize ko na... Ang buhay na mayroon ako, miserable o hindi, akin 'yon... and it will be always my home. "Celestial, kumalma ka muna. Can't you see? We just need to accomplish—" Tinawanan ko ito. Seriously? "Accomplish? Accomplish what, Javier? His advice was to vague! Anong klaseng accomplish ang tinutukoy niya? Academic? Lovelife? School? Grades? What is it!?" Hiyaw ko dito. "Hindi ko na alam ang gagawin ngayon... I am starting to feel that this will be forever..." Inilingan ako ng lalaki. "This will not be our foreve—" "But it is! Can't you see?" I cried on him. "Bulag ka ba? Wala na Javier... Wala na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD