Kumunot ang noo ni Javier sakin at mabilis na umiling ito.
"Can you please stop being so negative, Celestial? Calm down!" Hiyaw nito.
Napasinghap ako ng malalim. "How... How can I possibly calm down kung alam kong ganito ang mangyayari?" Tanong ko sa lalaki.
Pilit kong pinapahid ang luha paalis, pero tuloy-tuloy lang talaga ang pagbagsak nito. Javier is so calm and looking annoyed on me—na para bang nakakainis ako dahil I am panicking!
"Why are you so calm, Javier? Hindi ba dapat nagpa-panic ka? Hindi na tayo makakabalik—"
"Stop that!" He shouted on me. "Just... stop talking about that! Kung sabi ka ng sabi, paano tayo makakabalik sa dati?!"
"I am slapping you the facts, Javier! I am stating the obvious na hindi na tayo makakabalik! Why are you even so calm, huh?" Nanggigil na tanong ko.
Para kasing wala lang sakanya ang nangyayari sa'min. That old man didn't help because the person who did this is dead! Habang kami ay nagdudusa for god knows how long!
Isa pa, ginawa lang ba 'to sa'min ng matanda kasi maingay kami? Kung iyon lang ang dahilan, I should go to heaven and shout on her face!
"Celestial, let's find a taxi. Umuwi na tayo..." aniya.
Napapikit ako sa sinabi nito. After all of this, ito lang ang maririnig ko.
Ang umuwi na kami.
This is not what I anticipate. I want to finish this problem over the weekend... But now it's impossible. Wala na.
Pareho kaming lumingon sa matandang lalaki na kakalabas lang ng pintuan niya. He looks sorry for the both of us.
That eyes... I hate it the most pag tinitignan ako ng ganyan. It's like I am so helpless at wala ng magagawa.
"Wala akong magagawa sa sitwasyon niyo. Pero may kailangan kayong tapusin..."
Sasagot pa sana ako pero hinawakan ni Javier ang kamay ko.
Umiling ito. Parang sinasabi na huwag na akong sumagot.
I bit my lip, yumuko ako at tinignan ang kamay niya sa'kin.
"Okay po, salamat," si Javier. "Tara na." Hinila ako nito.
I stayed still. Ayoko sanang umalis at nilingon ang matanda ng sobrang sama.
"Celestial—"
"Hobby ba ng asawa mo ang manira ng buhay?" Natatawang tanong ko. "I hope you're good then."
"Celeste..."
Tinabig ko ang kamay ni Javier sakin at naunang naglakad palabas. I walk mindlessly, hindi alam kung saan pupunta. I just wanted my home, my body. I want to rest in my own room... My own house.
Paano na ang dati kong buhay? We are both hopeless. Hindi na ako makakabalik sa dati. Wala na. We are so done for. My scholarship will be really gone through the air.
Naramdaman ko ang paghawak ni Javier sa braso ko.
"Stop it," aniya.
Humarap ako dito, at sa gilid ng kalsada tuluyang bumigay ang ngawa ko. I cried loudly like a child in front of Javier.
Mabilis akong hinila nito sa isang yakap.
"Paano tayo, Javier? She was our only hope and last resort... Paano tayo?" Tanong ko dito at tuloy pa rin sa pag-iyak.
"Don't... cry too much... Everything will be fine. We will find another way, okay? We will find another new hope," aniya.
Her voice and promise sounds reassuring. Niyakap ko ang lalaki at doon binuhos ang luha sa balikat niya.
Sana ay tama na ito.
Tulala akong nakaupo sa lobby ng hotel. Hindi alam ang gagawin.
Wala na kaming bus o taxi na masakyan pabalik ng manila dahil alas-onse na ng gabi. Pinakalma pa kasi ako ni Javier.
Now, we decided to stay on a hotel.
"Sorry po Ma'am at sir. Wala na pong room," sabi sa unang napuntahan namin. "Christmas vacation po kasi kaya punuan na."
This is our fifth hotel and I hope, meron ng room. I am quite getting tired na.
"Sorry po sir. Isang kwarto na lang po ang meron, pero double naman ang bed—"
"No... May lalaki akong kasama—"
"We will get it... Okay lang sakin," sabi ko sa lalaki.
Both of the receptionist looked at us weirdly. Siguro ay nagtataka ang mga ito kung bakit lalaki na ang tinatanong ngayon kung iisa lang ang room.
"Are you sure?" Tanong ni Javier.
I nod my head.
"Okay. We will get that room."
Pagkadating sa kwarto ay inihiga ko agad ang sarili sa kama at ipinikit ang mata.
"I am not feeling well," I told Javier.
"Anong masakit sayo?"
"Mahapdi ang mata ko..."
"Tsk..." Iling nito. "Should we order food?"
Naramdaman ko ang paglubog ng gilid ng kama.
Tinignan ko siya. "Yeah... Go on."
"Stop crying. Calm down. Okay? Kaya natin 'to. We will find a way..."
Noong sinabi niya iyon ay muli na naman akong naluha. Bakit? Kasi hindi naman sigurado ang lalaki sa sinasabi niya! Sooner or later, baka tumira na lang kami sa buhay ng isa't-isa na pareho naming hindi gusto!
"Ayan ka na naman!"
"How can I possibly calm down, Javier? I am so tired acting that everything will be alright! Paano kung hindi magiging maayos ang lahat? Paano tayo? Should I marry a man and make you look like a gay?" Mahabang lintanya ko sakanya. "I still want to be in a scholarship. Gusto ko pa maging scholar..." Iyak ko dito.
"You will be a scholar! Hindi kita ibabagsak! Ngayon, maghilamos ka na ha? Kakain pa tayo at mag-iisip ng plano."
I wanted to cry this out first. Tinatamad din akong kumilos at gawin ang dapat gawin...
"Just do it! Let's think of a possible solution and don't worry... too much. Share your worries with me..." aniya.
Napatango ako sa sinabi nito. Share my worries with him, huh?
Dumating ang pagkain habang sinunod ko naman ang sinabi niya—ang maghilamos ng mukha.
"Now, we need to do something. Like... We need to know what the old man is talking about."
Natawa ako. Tinignan ko ang steak at potato fries sa harapan ko. Wow, this will be so yummy kung normal lang sana ang lahat.
"Are you fvcking kidding me, Javier?" Maanghang na tanong ko dito. "Mahirap... ang sinasabi mo! We need to accomplish something!? What? Hindi ko alam na may pa-project pala ang matandang 'yon bago tayo makabalik sa dati?!"
Ibinagsak ni Javier ang kutsara niya at tinignan ako ng maigi.
"Could you fvcking stop being so negative about this—"
"Bakit?! Hindi ba totoo na wala na tayong pag-asa?!"
Namula ang mukha nito. "Kung ipipilit mo na hindi na, baka hindi na talaga, Celestial! Do you want to be like this forever?!" Gigil na sigaw nito sakin.
Hindi ako nagsalita at tahimik siyang tinignan ng masama.
"Do you think I want that to happen?" Inis na sabi ko sa lalaki.
"No! That's why we are going to solve this. Okay?! It's so hard right now because we are not even starting. So calm yourself... Hangga't wala pa... Hangga't hindi pa nangyayari—calm down."
Nanahimik ako, hindi siya sinagot. My mind is really clouded with negative thoughts.
"Just... trust me... Everything will be alright for us," aniya. "Babalik tayo sa dati..."
I wonder if that would really happen.
"For now, let's both rest. Pareho tayong pagod at nawawala ngayon. Maybe a rest can mend our problems," aniya.
Sumandok ito ng pagkain. Tinignan niya ako.
"Eat."
Sinunod ko na lang ang lalaki... Sumandok ako ng pagkain at walang gana itong kinain. I guess, this will he our first step, huh?
"Tatabi ka sakin?" Si Javier.
Napailing ako sakanya at mabilis na nagtungo sa kama para humiga. Kakatapos ko lang maligo, and I guess it was so refreshing.
"Bakit hindi ako tatabi sayo? Saan mo ako gusto mahiga? Sa sahig?"
Sumipol ang lalaki. "Girls is usally shy with boys," he pointed out with me.
Nilingon ko ang lalaki na nasa katawan ng isang babae ngayon. Nakatagilid ito sakin at nakatungkok ang siko para aalalayan ang ulo niya na nakapatong doon.
Is he being cocky right now?
"Nasa katawan ka ng babae, tapos sasabihan mo ako ng ganyan?" I asked him. Inirapan ko ito at tinalikuran ng higa. "Isa pa... Nakita naman na natin ang isa't-isa... Simula sa bahay hanggang buhay. Ano pang ikakahiya natin sa isa't-isa?"
Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa gilid ko.
"Tama ka. Bakit ka nga ba mahihiya? Kahit wala ka pa sa katawan ko, walang hiya ka na."
Hindi talaga ako makatulog.
Naalala ko pa rin ang sinabi noong matanda sa'min. I am still worried for ourselves. Paano kung talagang hindi na kami makabalik sa dati?
Si Mama... Paano kung hayaan lang ni Javier na mawala si Mama at sumama sa kabit niya?
"Javier," tawag ko dito. "What is it like na may iba ka ng nanay?"
It took time for him to answer. Akala ko nga ay tulog na ang lalaki... Pero mukhang namamahay rin ito ngayon.
"Nanay? Sino?"
Nakatulala lang ako sa mabigat na kurtina sa kwarto.
"Iyong... sinabi ko noong nakaraan."
Biglang sumagi sa isip ko ang aking ina. Surely, Javier is being nice with that old woman. Siguro ay akala niya, payag na ako sa gusto niyang sumama sa kabit niya.
"Ah. That? Wala naman 'yon.. Matagal ko ng alam."
"Do you approve it?"
"Hindi." Aniya. "Sinasabihan ko si dad, but he really wanted to do it."
Napasinghap ako sa sagot nito at hinarap ko siya. Medyo nagulat ang mata nito noong humarap ako kasi medyo malapit pala siya sakin.
Hindi ko iyon pinansin.
"Right. Ayaw mo rin magkaroon ng bagong pamilya or babae ang papa mo, hindi ba? It's the same with my mom," I told him. "Ang malala, sa kabit pa niya gusto sumama... Sabi niya ay hindi na siya makikipagkita sa hayop na 'yon..."
"Pero?"
"Pero nababayaran niya pa rin ang bill sa bahay. Wifi. Aircon..." ipinikit ko ang mata. "Pilit kong pinapaniwala iyong sarili ko na nagbabanat siya ng buto.. but there is no way... she can afford it..."
"Oh..." Ito lang ang sinabi niya. "Did you see your mother's lover?"
"Anong lover?" Tinignan ko siya ng masama. "Kabit! Kabit ang tawag sakanya! Ang hayop na 'yon..."
Napangiti ito sabay iling. "Fine. Kabit. But have you seen his face?"
Honestly, no. Syempre, mahihiya sakin si mama na subukang ipakilala. I am hostile towards her and about that matter. Kaya kahit kailan ay hindi tinangka ni Mama na ipakita niya ang lalaki.
Wala rin akong balak alamin kung sino.
Inilingan ko si Javier.
"Hindi ako interesado," I told him. "Baka dumagdag pa siya sa sama ng loob ko..."
"Tsk! Matulog ka na... We will think about our problem for tomorrow..." he shut me up.
Napailing ako at tinalikuran ang lalaki. Akala ko ay matutulog na talaga kami, pero nagsalita pa ulit ito.
"Celestial, hayaan mo. The Lord will do something for those kind of people."
Ngumisi ako. His comment made me sleep comfortably.
Naramdaman ko na may nakadagan sakin. It was Javier. Hugging me.
Napasimangot ako. Magulo pala siyang matulog!
Nagtaka ako noong nakita ang sinag ng araw na tumatagos na sa kurtina. Ibig sabihin... May araw na?
"Javier!"
Napabangon ako at tinignan ang orasan. Alas onse na ng umaga! I cannot believe this! Tinanghali kaming dalawa ng gising!
"Bakit?!" Pungas-pungas pa nito ang mata.
"Eleven na!"
"What?!" He sighed. "Anong oras na tayo natulog! Can't we rest more—"
"Shut up... Tara na."
Medyo natagalan kami sa pag-aayos at pagkatapos noon, kumain muna kami.
Para talaga kaming nagbabakasyon.
"Did you think of a plan?"
"Plan?" Takang tanong na naman niya!
I leaned on my table. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi ba sabi mo kagabi, pagkatiwalaan kita? Ano? Ano na ang plano mo?"
"For pete sake, kakagising ko lang tapos iyan agad ang itatanong mo?"
"Tsk." Inilingan ko siya.
Pinatapos ko muna ang bruch namin bago ko ulit siya tinanong sa plano.
"So? What now?"
Hindi ito sumagot. Nakatulala lang. Nakalabas na kami sa restaurant at tahimik kaming naglalakad sa dalampasigan.
Okay. Maybe he is thinking.
"How about... we kiss?"
Walang kwentang pag-iisip!
Pinandilatan ko siya ng mata. "Can't you be serious?!"
"I am serious! Malay mo, a kiss can solve our problem like the frog prince?!"
Oh my god! Ito na ba ang plano niya?! We are really doomed!