Tulala lang ako sa lalaki. My heart is thumping so bad, kaya bago pa ako mawala sa sarili ay umiling na ako.
"A kiss?" Ulit ko pa sa sinabi nito.
Tumango ang lalaki sa'kin. "Yes. A kiss. Bawal ba?" Takang tanong niya.
Pinandilatan ko siya ng mata. Is he really asking me bluntly to do kiss?!
"Gusto mo bang sapakin kita?!" sigaw ko dito.
Napailing ito sa'kin sabay tumawa. "Ano ka ba? It's just a kiss, walang malisya!"
Tinignan ko siya ng sobrang sama. "Kung dadapo sayo ang palad ko ngayon, hindi ba masama 'yon?" Gigil na sabi ko sakanya.
Hindi ito nagsalita at nanahimik na lang sa gilid.
Where is his idea coming from?
"Could you please get your thoughts straight, Javier? I don't need your nonsense..."
Sumimangot ito. "What? Sa disney nga iyon ang ginagawa nila."
Napanganga ako. Jusko, ito ba ang plano na sinasabi niya sa'kin?!
"Ako na ang kakatok," pauna ni Javier.
Hindia ako nagsalita at nakatulala lang sa harapan ng bahay noong matanda.
The old man showed. Noong makita nito kami ay dali-dali niya kaming pinuntahan.
"Okay lang ba kayo?"
"Hindi." Sagot ko. "But we wanted to confirm something before going..."
Tumango-tango ang matanda. "At ano naman iyon?"
Dapat ay uuwi na kami ni Javier matapos ang stay in sa hotel. Pero hindi pumayag ang lalaki at sinabing baka may makuha kami sa matandang 'to.
"Oh sige. Pumasok kayo—"
Umiling si Javier. "Hindi na po... May hinahabol din po kaming biyahe. Magtatanong lang naman po kami."
Noong tumango ang matanda ay hindi ako nagdalawang isip na tanungin ito.
"We just need to correct something, sa panahon noong isinumpa niya po kami, hindi ba?"
"Hindi naman kailangan itama talaga... Pwede ding may matutunan kayong leksyon, itama ang mali—ganong dahilan."
"May posibilidad ba na makakabalik kami sa dati?" Sunod na tanong ko.
Natulala ito. I licked my lower lip when he took his time to nod his head...
"Oo...Pwede. Kung nandito ang asawa ko, sasabihin niya sainyo kung ano... or she wil tell a clue... Pero humihingi ako ng tawad... At malaking pagkakawala din sainyo ang pagkamatay niya." He really looks sorry. Hindi ako nagpatinag sa mukha nito.
I just want to show how mad I am.
Tinitimbang ako ng matanda, pero hindi ako tumigil sa simangot.
Siniko naman ako ni Javier!
"Ayos lang po iyon, Manong." Aniya.
Ang sakit ng siko ko ha!? In fairness, talagang matulis!
"Wag niyo na lang po pansinin ang kaibigan ko. Masama po talaga ang gising niya simula kapanganakan."
Tumango ang matanda at tanging si Javier na lang ang binigyan ng atensyon.
"Aalis na kayo? Mag-iingat kayo, mga bata..." He sighed. "Basta... May ginawa kayong mali noong naabutan niya... At sigurado akong hindi niya ginusto na ganito kalala ang sumpa niyo–"
I scoffed. "Pero ito ang ginawa niya sa'min."
"Celestial..." suway ni Javier. "Aalis po muna kami..."
"Sige... Balitaan niyo ako kung nakabalik kayo sa normal... Ipagdadasal ko ang kalagayan niyong dalawa."
"Pagbalik namin, bumalik na kami sa dati."
Sana nga, Javier. Sana ay magdilang anghel ka kahit parang napaka-imposible na...
"Where have you been?"
Pagkauwing-pagkauwi ko pa lang ay tumambad sa'kin si Mr. Castell. Galit ang mukha nito at may hinala.
"Sa kaibigan ko. We stayed out for practicing," I told him.
"Practicing?!"
"Soccer..."
"You are not practicing, Javier! Someone reported to be that you are not even doing well!"
"Kaya nga I stayed out for the whole night para matuto," I hissed in annoyance.
Nakakapagod ang pag-alis namin ni Javier. Sana naman ay huwag ng dagdagan ni Mr. Castell!
"Si Faith ba, kasama mo?"
Napahinto ako sa pag-akyat. What is his basis to conclude na si Faith ang kasama ko?
Nilingon ko ang lalaki. "At bakit ko naman siya kasama? Saan mo nakuha 'yan?"
Is it because 'she' is my girlfriend? Automatic ba na kami agad ang magkasama?
"Oh come on, Javier?! I am not dumb like you!" Aniya. "Gusto mo ba talagang mapaalis dito!? Ang scholarship mo?!"
Napahinto ako. How can he be so good to Celestial, but never to he is own son?
Kaya pala walang kagalang-galang itong si Javier sa ama.
"I don't know where is your grudge coming from whenever I am with Faith..." Tinignan ko ito ng mariin. "But I am your son at pwede bang mahiya ka na pinipigilan mo ang sariling anak na maging masaya?"
Natigilan ang matanda sa sinabi ko. Namula ang mukha niya.
"You!" Naghuhumikos ang matanda. "Hindi mo alam ang sinasabi mo! You are always ruining my plans. Sinasadya mo ito! You are doing no good for that girl!"
"And do you think I will do good if I break her heart dahil sabi ng tatay ko, hiwalayan ko siya?" Natatawang tanong ko dito.
"Javier! You are ruining my plans!"
Unti-unting nawala ang sarkastiko sa mukha ko. Kanina pa niya tinutukoy ang plano na 'yon—actually, I heard that long ago. Ayaw din sabihin sakin ni Javier.
I wonder what is it?
"What plan?" Seryosong tanong ko.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Mr. Castell at dinuro na ako.
"Get out of my house you fiflthy child!"
Napailing ako. I don't want to change home... Mahirap maghanap ng bahay.
Maybe I can crash on my own house as Javier? Tutal naman ay hindi naman makakapalag ang nanay ko sakin.
"Pag tinanggal mo ako sa lahat, hindi pa rin mababago na kasama ko si Faith," I told him. "Siguro ay dapat tumira ako sa bahay nila Faith kung sakaling palayasin mo ako."
"Javier!"
Nginisian ko ang matanda bago tuluyang umalis sa hagdan para umakyat.
Nakakaloka. Siguro naman ay hindi talaga ako palalayasin?
Nagising ako na umaga na. Wala pa rin namang bagong sigaw sa matanda.
I checked my phone and I saw a lot of missed calls coming from Javier. Umagang-umaga. Anong problema nito?
I called him in loud speaker then entered on the bathroom.
"Hello!?" Si Javier.
"Bakit hindi ka nagpahinga?"
Sinimulan ko na maghilamos.
"Nagpahinga ako!" Tanggi pa niya sa kabilang linya.
"Are you kidding me? You called in 4AM, 5, 6AM! Hanggang sa magising ako ng eleven, may entry ang pagtawag mo!" I hissed. "What is your problem?"
Nag-toothbrush na ako habang nakikinig sa sinasabi nito.
"Gusto ko rin naman magpahinga," singhal nito. "Pero bakit may nagtext sakin kung pwede ba ako ma-interview? Ano na naman ba tong pinasukan mo?"
Interview?
"Anong interview?" Takang tanong ko.
"Interview tungkol daw sa pagiging pinakamagaling sa lahat ng scholar ng YJS," alanganin sabi niya, hindi sigurado. "But that's it! Pupunta sila ng ala-una and I am overthinking about it! Anong sasabihin ko?!"
Oh my god! May problema pa nga kaming haharapin, tapos ay may bago na naman?! Can't just our problem chill kasi kami na ang may hindi kaya?!
"Ngayon pala 'yan..." I shook my head in disbelief. "Hintayin mo ako, pupuntahan kita diyan."
"Hindi mo alam na may ganito?! Sana sinabi mo para informed ako, hindi ba?"
"Okay, fine! I'm sorry! Pero manahimik ka muna please? Kaya mo 'yan. You will just answer questions!" Sabi ko dito. "Wala namang camera, if that is what worries you!"
"Ay wala ba?" Aniya, parang kumalma. "Geez, I worried for nothing!"
Napairap ako. "Did they send you the questions?"
"Yes. Sampu ito, kaya nga kinabahan ako."
"Send me that. Pupuntahan kita. Don't panic, kahit naman ganyan ka... Kaya mo 'yan.."
"What do you mean kahit ganito ako—"
Bago pa kami magtalo ay binabaan ko na siya ng tawag.
Nagmadali akong kumilos. One thing that I have notice in guys is... Ang swerte nila dahil ang bilis lang ng lahat para sakanila.
They can wash their hair agad-agad. Maligo agad-agad, mag-ayos agad-agad...
"Kuya, pwede pong pakihatid ako?" I asked the driver to bring me to my home.
Habang nasa biyahe ay gumagawa na ako ng script ni Javier. Ipapakabisa ko... sa loob ng isang oras?
Nakita ko agad si Javier na nakatunghay sa gate. Mukhang hinihintay ako.
"Hoy," I called him. "Why do you look so down?"
"Kasi naman," he sighed. "Iniisip ko pa nga 'yong problema natin tapos dadagdag pa 'to?"
Pati rin pala siya ay iniisip ang problema naming dalawa. Malamang, noong kagabi ay nagwala ako... Siguro he's been thinking about it.
"Hmm. It's okay, magsasalita ka lang. Kakabisaduhin mo lang 'to," sabi ko sakanya. "Okay lang. Saglit lang 'to."
Tumaas ang kilay niya. "Hindi ka ba kinakabahan that I might mess it up?"
"Bakit ako kakabahan?" Dinamba ko ang mukha nito at nginisian. "Subukan mo lang magkamali at ipapakain ko sayo yang papel."
"Tsk! Akala ko pa naman bumait ka na!"
"Anak–"
Tumaas ang kilay ko noong lumabas si Mama.
Kumunot ang noo nito at naglipat-lipat ang tingin sa'min.
"Oh... Javier..." Tawag nito sakin.
Mabilis kong inakbayan si Javier sa gilid ko.
"Hello po. Boyfriend po niya ako, nabanggit na ba niya?"
Napaamang ang labi nito. Si Javier naman ay natawa sakin.
"Syempre naman... P-Pasok muna kayo? May gusto ba kayo?"
Pinisil ni Javier ang tagiliran ko! I looked at him in disbelief.
"Itigil mo nga..." Bulong niya sakin. "Gumalang ka sa nanay mo. Alam niyang magalang ako na bata."
"Baka pwede niyang malaman ngayon kung gaano ka ka-plastik?"
Sinamaan niya ako ng tingin habang ako naman ay tinawanan na lang siya.
"Talaga pa lang... magka-relasyon kayo..." Si Mama habang nasa hapag kami.
"Yes Ma! Ano bang sabi ko sayo?" Si Javier, tumatawa.
Napataas ang kilay ko. Wow. Mukhang close na talaga kami ni Mama ngayon sa paraan pa lang ng pagsasalita ng hinayupak na 'to.
Hindi ko sila pinansin at tahimik na kumain. Si Javier naman ay busy magkabisa.
"Mag-aayos muna ako, huh?"
Tumango lang ako. Kanina ay nasa mood pa ako takutin si Javier, pero iba talaga ang nagagawa sakin ng nanay ko, ano?
Everything taste or going bitter pag nakikita ko siya.
"Javier, hijo," tumabi ito sakin.
I rolled my eyes in disbelief. Mukhang hindi pagod ang ina ko ngayon, huh? She is wearing an obvious expensive dress, at wala na siyang eyebags.
Mukhang nakapanlimos ng pera sa kabit niya.
"Yes?"
"Kayo ba talaga ng anak ko? Gusto mo ba talaga siya?"
Eh ano naman sakanya ang bagay na 'to ngayon? If Javier's intention to me are pure? Siya nga ay may asawa na pero pumatol pa sa iba.
"Yes po," iyon lang ang nasagot ko.
Tumango-tango ito.
"Hindi ba tutol ang ama mo dito?"
I sighed in annoyance. "Hindi. Kung tutol man, wala na akong pakialam doon."
Tinignan ko ang ina. She looks very worried for what I've said. I wonder why?
Saan siya nag-aalala? Sa kalagayan ni Celestial? O sa sinabi ko na walang makakapigil sa relasyon naming dalawa?
"Cut!"
Iyan ang sinabi noong nag-iinterview kay Javier.
Nginisian ko ang lalaking nakuha naman ang gusto kong mangyari. He did not answer it the way I wanted... but I guess, I love his answer more?
Lalo na sa dulong tanong. Muli akong binalik sa nangyari kanina.
"So Ms. Diaz, this is our last question for you? What inspires you to be the best version of yourself?"
Natigilan si Javier. I have told him that I want to be the best of me to get out of this slum area and serve justice to people...
"This is a tough question," Javier chuckled.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. That is not part of the script.
"I guess, this sound so selfish—but I do it for myself," aniya.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Is he sabotaging me?!
Nakita kong napangiwi ang mga nag-iinterview, pero maya-maya ay ngumiti sila ng alanganin.
"That is a very unexpected answer! May I ask why?"
Oh my god, bakit hindi na lang siya sumunod sa script?
"Uhm. I am helping myself to achieve things for me... I try to be better because of me... My inspiration is myself..." aniya at natawa. "Kasi, if I am the better version of myself—no one can deceive me. I am more smarter. Pulido. Matanong at mapanigurado. If I am a person like that, I will be successful. And being successful is my gateway of helping others... Paano kung hindi ako matalino ngayon? Hindi confident? If I say 'para sa ibang tao' then where is me? How can I help other people if I am not capable?"
Nagpalakpakan ang mga tao.
Habang ako naman ay natulala sakanya. My heart is thumping hard.
How did he see through me?